Cool Coincidence


I don't know if this is just a coincidence. But just yesterday, while browsing some cool artworks on the net, I found something really cool. Remember my post entitled Water World last Jan 22, 2011? It describes events from a dream of mine the night before. You can check my post if you haven't read it yet.

So yesterday, here's what I found.

 
 Art by Hugh Sicotte

 Cool eh? Though some aspects are different. (Like, in my post there was a huge whale, in the drawing its a shark. Theres a school of fish in the drawing, my post has none.) But the concept is almost the same.

 I don't claim anything on this matter, and I respect the artist of his artwork. I just wanted to show some pure coincident awesomeness.

4 nagsalita

Bese-besehan to the nth power


Yup yup, busy days na naman. At kulang na naman sa tulog. Ang baba na nag dugo ko, 90 over something na lang wakekeke. Laklak na lang muna ng ferrous sulfate.

Pero pero, okay lang hihi. Dahil dahil, excited ako. May pupuntahan ako sa weekend and did I mention na excited na ko? hihi.

At dahil wala naman ulit akong matinong post, share ko lang itong heartbreaking photo I found on the net. The photo speaks for itself.

 

Photo from darcsfalcon

5 nagsalita

Eavesdropping


Produckto ng pagiging osyosera.

Habang kinakausap ni mamang kapitbahay ang kanyang pamangkin.

Kapitbahay: Boy, napanood nyo na ni ate yung eclipse?
(Ate = nakakatandang kapatid ng pamangkin nya)

Batang lalake: Opo, ang ganda nga eh. Napanood namin ni ate sa school.

Kapitbahay: Talaga? Meron pala kayong film showing sa school? Eclipse ang pinapanood sa inyo?

Batang lalake: Opo. Diba yan yung tinatabunan ng buwan ang araw?

Kapitbahay: Ahhh....ahahaha! Hindi yan, yung merong bampira.

Sumabat si ate.

Ate: Hindi pa Tito, meron kayong bala? Panoorin natin.

Kompletuhin mo kasi wakekek.

Di ko pinanood ang movie na to dahil nakokornihan ako. Not my kind of vampire story, pasintabi sa mga Twilight fan XD. At dahil bese-besehan ako these days, puro epic fail muna posts ko.

9 nagsalita

Ano daw?


Ako : Pabili po ng coffee.
Ale:   Alin dyan?
Ako: Ahh, ano po yung brown? Ano po difference nun sa normal coffee?
Ale:  Umm...ito brown, ung isa black.
Ako: Ahh okay po. Isa po nung brown.

Langya, nagtanong pa ko.

 
ang mahiwagang kape

11 nagsalita

To Be or Not To Be?


Now that is the question.

Karamihan naman sa atin ay hindi mahilig sa classical music. Siguro sa tingin ko lang, pero yun ang observation ko. Minsan lang kasi natin naririnig ang classical music sa radyo at telebisyon. Wala sya sa nasa trend ika nga. Nung kapanahunan pa ni lolo sa tuhod to the nth level uso ito, dahil ito ang IN dati, pero OUT na ngayun.

Ang haba ng intro ko, may gusto lang naman akong ipakilala ahihi. Wag na tayong magpaligoy ligoy pa. Ito na. Si YANNI. Isa syang pyanista at composer. Idol ko sya hihi. Kasi, una, after nya mag-graduate ng college tinuruan nya sarili nya tumugtog ng piano (ang galing kaya nun). Hindi lang sya naging magaling, naging world class pa. Pangalawa, magaganda ang compositions nya, at least for me, na-appreciate ko. Pangatlo, sekwet XD.

Marami ang hindi nakakakilala sa kanya, kasi nga ang genre ng music nya ay hindi IN sa panahon ngayun. Kaya naman pinili kong mabuti ang mga videos na inilagay ko sa post na ito. Para hindi naman ma-bore ang mga bisita. Pero kung ayaw nyo pa rin, wala na ko magagawa.

First stop, Nostalgia. Ito ang unang piece na narinig ko sa kanya. My all-time favorite. Wish ko lang ako yung lady in red na nag violin solo sa middle part ng song. Ambisyosa hahaha.



Next, Rainmaker. Tinawag itong new age classical, kasi nasa gitna sya ng classical at ng new age music. Upbeat sound pero gamit pa rin ang orchestra, san ka pa? Isa pa sa mga gusto ko sa music ni Yanni. Nag-eenjoy ang mga musicians sa ginagawa nila. Spread the love!


Ayan, dalawa lang kasi magiging mahaba na. Kung nag-enjoy kayo, kayo na bahala magsearch sa youtube ng iba nyang piece. Spread the music, spread the love! ^___^

9 nagsalita

The Charming Prince



Photo by nicobou

Of course, my prince doesn't look like the one above. This was just the photo I showed him and we laughed a lot. He made up stories, of how the fly reacts to the signboard and how the frog tries to convince everyone that he is a charming prince.

My prince has a huge sense of humor. He makes me smile a lot, makes me laugh like I've never laughed before. Some days that really suck, he could still manage to joke about it and would tell me that it is okay because he got me. He is very optimistic.

My prince is more like a medicine to me. We are each others medicine. When I'm down, he would cheer me up. When I need someone to talk to, he listens. He's always there whenever I need him. To him, I am his medicine. I am the first one to know whenever something's troubling him. He seeks my advice which really flatters me. He confides to me his feelings and it is always my honor to be his guest.

My prince has this iron shield that protects me from any harm. There's no safer place in my opinion but beside him. This shield is also contagious. It runs through me that makes me want to take care of myself because I don't want him to worry about things that can be handled. Like he said, he likes my being "not always the damsel in distress".

My prince isn't a frog that would transform into a human when kissed by true love. Or someone who offers marriage  in exchange of the glass slipper. He is real, tall, dark and handsome. We're not living in a fairy tail with castles, magic and dragons. We live in a real world, with dragon-like challenges that we have to face on a daily basis. We are real and we believe in us. We believe on the one thing that holds us together. We believe in love.

Happy Valentines day to everyone!

18 nagsalita

Quotable Quotes



Everybody wants to go to heaven; but nobody wants to die.

The average woman would rather have beauty than brains, because the average man can see better than he can think.

"Flying is learning how to throw yourself at the ground and miss."

Everyone has photographic memory; some just don't have the film.

Always remember you're unique, just like everyone else.

Never take life seriously. Nobody gets out alive anyway.

The greatest pleasure in life is doing what people say you cannot do.

Note: All quotes are taken from the internet...

15 nagsalita

Pantastik!



Ako po, ay lubusang nagpapasalamat sa gantimpalang natanggap mula sa isang pakulo na Mapagmahal Blog Award na mula sa isang kapwa manunulat na si Ms Kamila.

Parang speech lang ng MMFF hihi. Kahit walang kalatuy-latoy ang ipinasa kong artikulo na HHWW With Pa-sway Sway Pa, nakakuha pa rin ako ng parangal yaaaaahooooo! Salamat ng marami sa mga hurado, at sa aking mga fans hahaha (joke!) at congrats din sa mga iba pang nanalo.

MABUHAY ANG LAHAT!!

10 nagsalita

War of Our Fathers



dahil sa wala po akong camera, nanghiram na lang po ako ng pic kay Joy

Kagabi napadaan ako, kasama ang mga kaibigan ko, kasamahan sa trabaho at dating kasamahan sa trabaho sa SM para mamili ng maiinom dahil napagdiskitahan naming mag get-together. Saling-pusa lang ako as usual.

Nung napadaan kami sa activity center, may mga chair na naka-ayos, at merong stage. Sabi ko sarili ko, malamang merong event na magaganap later. Nung nasa bungad na kami ng bridge me isang mahabang table na puro pagkain. Nagutom ako XD mukhang engrande ang okasyon na gaganapin. Naglakad lakad pa kami ng konti, sa bandang gitna ng bridge maraming stand na merong pictures na black and white. Ang liit lang kaya ng bridge, bakit naman kasi dito pa sila pumwesto?

Syempre nakikitingin din ako sa pictures. May picture ng mga patay na tao, may picture ng babae na dala dala ang gamit na binalot sa kumot. May picture din ni McArthur na pag nakita ko yun naaalala ko agad ang famous line nya na "I shall return". May picture ng mga sundalo, mga sumabog na bahay at iba pa. Isa lang ang common denonimator sa lahat ng pictures, picture yun lahat ng gyera. World War II to be exact.

Ang okasyon pala ay para sa mga sundalo nung panahon ng gyera. Natouch naman ako nung tinitingnan ko ang mga photos, napaisip ako...sobrang hirap pala ang dinaanan nila dati. Andon ang mga beterano na suot nila ng veteran suit nila (hindi ko talaga alam kung ano ang tawag don). Meron nang mga lola at lolo na uugod ugod. Merong iba nagkukwentuhan habang tinuturo ang mga pictures, reminiscing.

Naalala ko tuloy ang kwento ng Auntie ko, kapatid ni Papa, tungkol kina Lolo at Lola. Noong araw daw tinatago ng mga kalalakihan ang lahat ng babae sa talahiban pag may dumating ng hapon. Meron silang taguan sa ilalim ng lupa. Don ko naintindihan ang famous phrase nila na "dapa, may hapon!". Yung mga kasama daw ni Lolo may dala dalang baril, ang dala daw ni Lolo ay gitara dahil haharanahin nya si Lola. Nakakaloka, may gyera na nga eh.

Kung tutuusin, ang swerte ko dahil hindi ako pinanganak sa mga panahong yun. Pero kung hindi dahil sa kanila, ating mga magigiting na mandirigma, malamang nasa gyera pa rin itong kasalukuyan. Kaya nagpapasalamat ako sa mga lolo't lola, sa mga sundalo na binuwis ang kanilang buhay para sa kalayaan.

10 nagsalita

Freakin Restructure



photo by tradebit 

Baka nagtaka kayo na ang layo ng title sa picture. As I've mentioned yesterday, meron akong nabiling book sa booksale, yan yung nasa picture. At ang title ay tungkol sa hinanakit ko today, di naman rant lang para di masyadong obvious.

I received a  request today, stating that I have to restructure my previous codes to meet the new design. Kumusta naman di ba? Okay lang sana kung minor lang, kaso major functionalities ang kailangang baguhin, hahayz rant mode. On top of that, sinumpong na naman ako sa sakit ko. Sakit ng katamaran lol.

Baka hindi naman siguro, I used to love my work. Maybe I still do, or maybe I'm just bored. Actually, it started when hell broke loose in the working area. I also realized that I was payed less than what I deserved to be, plus with low benefits I think I am so wasting my time here.

Maybe, I really needed some time for myself. Good thing I purchased this book. It has some similarities of what has been going on with myself, I can relate to it. Its a story of a lawyer who's so bored of his life. To his boredom, he entertain the crazy idea of buying a what he supposed-to-be a magical kingdom, to escape from the world he thinks he doesn't belong.

Sa page 61 pa lang ako, and the book is an all-time page turner. Or, I'm still stucked in fantasy novels lol. My book preference refuses to grow old. Me thinks that I also need a purchase of that kingdom. I'm oh so bored :(

10 nagsalita

Monday Blues



photo by Google

Ito ba ay pamagat ng isang kanta, o baka naman isang tula? O isang artikulo sa dyaryo? Sa kasamaang pala, hindi. Ito ay isang sakit na dumadapo tuwing lunes lamang. Ito ay walang pinipiling biktima, bata, matanda, may ngipin o wala. Ngunit ang karaniwan ay mga trabahador, estudyante at ako.

Help me Lord, its monday. Lol. Bakit nga ba sa tuwing lunes ay nakakatamad bumangon, maligo, magluto ng agahan at pumuntang opisina? Pagdating sa opisina ay nagliliwaliw pa ang isip. 50% ng utak ko ay gustong magtrabaho, ang 10% ay blanko, ang 15% ay gusto lang magbrowse, ang 10% ay inaantok at ang 5% ay gusto nang umuwi. Yung remaining 10% ay gustong magbasa ng blog hahaha.

Lemme explain.

50% ng utak ko ay gustong magtrabaho dahil gusto kong matapos na ang walang katapusang project na nauumay na ko sa hitsura. Gusto ko ng bago, ayoko ng paulit ulit lol.

10% ng utak ko ay blanko dahil, hindi ko alam, blanko nga eh.

15% ng utak ko ay gusto lang magbrowse kasi, new episode ngayun ng One Piece ahihihi. New episode din ng Fairy Tail manga wakokok. At higit sa lahat, wala akong drive magtrabaho haayz.

10% ng sarili ko ay inaantok dahil, hindi ko alam. Natulog naman ako sa tamang oras kagabi. Pag monday talaga inaantok ako.

5% ng sarili ko ay gusto na umuwi dahil, meron akong nabiling novel kahapon Booksale worth PHP35 na gusto ko na tapusin. Sigunda mano na libro lang ang kaya ng powers ko, kaya naman Booksale ang favorite kong bilihan ng book, ang National Bookstore ay ang aking silid aklatan hahaha...shhhh...

10% ng utak ko ay gusto lang magbasa ng blog. Dahil sa tinatamad akong magtrabaho, ito lang ang tangi kong libangan at pampalipas oras na rin. Kaso di ko magawa ng todo dahil merong hawk's eye na umaaligid XD

Ayan, 100% total. Grabeh na ito. Wala akong pandepensa sa sakit na ito. Mahina ang aking immune system at di ko sya kayang labanan.

HELF!

7 nagsalita

Updates


Wala munang matinong post, nag-update lang ng blogroll kagabi at wala pang maisip na maipost. Ayos ayos lang muna, itong blog ay kinokonsidera ko na na aking pangalawang tahanan, gusto ko maayos na makalat (may ganun?).

Updated na ang aking listahan ng mga kapwa dugong bughaw. Marami ang nadagdag at natanggal. Mga people, wag naman sana magtampo kung natanggal sa listahan ang inyong blog. Meron po akong criteria na sinusunod, kasi gusto ko rin na hindi lang isang mahabang listahan ito, kundi may laman din at natatangi.

Ito po ang aking mga criteria:

  1. Active. Kahit naman hindi araw-araw ang update pero wag naman isang buwan wala pa ring bago. Mahilig ako magbasa, gusto ko may bagong nababasa lagi.
  2. Na-impress ako sa content at binalik-balikan ko talaga.
  3. Excepted sa rule number 1 ang mga blogs na very informative ang content, like panyero.net (cite ako ng example malaman nyo rin kung ano ang informative sakin).
  4. Kasama sa listahan ang mga blogs ng kakilala ko IRL (what are friends for? right? hihi)

Karamihan sa mga natanggal ay hindi na masyadong active, yung iba naging 404 error wahihihi. Categorized na rin sya, para maayos tingnan at hindi masyadong malito ang aking mga bisita. Nangangapit-bahay na rin ako sa ibang mundo at lurker ako sa karamihan ng blog. Mahiyaan akong tao, nahihiya din ako mag-comment kaya basa mode lang, habang nakatago sa invisibility cloak ni Harry Potter.

Yan po muna, try ko update every month ang aking listahan ng mga kapwa dugong bughaw. Magandang umaga sa lahat ng kaharian.

11 nagsalita

There She Is



There She Is! - Step 1 by SamBakZa

Another short animation, but for our valentine special.

I think it was two years ago, a friend of mine introduced me to this video. Being a cat person and an anime fan, he reckons that I would love it. I did. With an up-beat background music and kawaii characters, who wouldn't?

This 5 series animation has won an award in Brazil festival and viewed 11 million times in newsground site. As what I've read from youtube (I can't find the exact post arrgghhness), the message that the animators tries to convey is the relationship between Korean and Japanese. As most of us know, there's a racial difference between the two nations. The authors tried to impart their views that in this modern world, everyone can love anyone regardless of color or race.

The story also applies to love that have cultural discrimination. Like age gap, religion, social standing, distance, and gender. But for those couples who were struck deep with cupid's arrow, these things are nothing to what they truly feel. Those amazing stories that fought unknown wars just for their right to love.

So go, fight! Who knows, right now, you are writing your own love story.

12 nagsalita

HHWW With Pa-sway Sway Pa



Dahil Pebrero na at malapit na ang araw ng mga puso, pag-usapan natin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Pag-usapan natin ang tungkol sa paghahawak ng kamay at ang aking personal na opinyon hango dito. Saglit, masyado nang malalim...(nosebleed).

Taglish na lang natin para di ako mahirapan.

Anyway, nung bata pa ako (as in nag-aaral pa ako sa Kindergarten) nangkaron ako ng kaibigan. Naging mag-bestfriend kami hanggang ngayun. Di na nga lang kami madalas magkita simula nung lumipad ako papuntang Manila at dito na nag-aral ng kolehiyo. Nagkukumustahan na lang sa sulat.

Itong bestfriend ko na to ay isang babae, wag madumi ang isip. Napaisip kasi ako, kasi nung high school days, meron kaming teacher na tinanong kami kung sino sa aming dalawa. Kami ay inosente at walang muwang kaya di namin alam kung ano ang ibig sabihin nun. Yun pala, tinatanong nya kung sino sa aming dalawa ang bading, dahil lagi kaming nakaholding hands. Aba malay! Natural lang naman sa mga babae ang mag holding hands. Di ba girls, tama ako? Itong teacher ko na to masyadong malisyoso. Pero napaisip ulit ako, siguro sa level of intimacy yun. Kasi di ko magawang makipag-holding hands sa mga kapatid kong babae, parang ang cheesy kasi, pero pagdating sa kanya natural lang.

Nung una kaming nag-meet ng boyfriend ko, feeling ko di ko kayang tumayo at maglakad lakad on my own. Yung feeling na nasa isang party ka, magkakakilala silang lahat at ikaw lang ang alien sa lugar na yun.Yung kailangan mo ng isang tao na mag-aassure sayo na okay lang dahil kasama mo ako. Yung assurance na yun nararamdaman ko sa paghawak sa braso nya, o sa kamay. Shy type sya, di sya masyadong ma-PDA

Pero nung tumagal, naging comfortable na kami sa isa't isa. Sya na ang unang humahawak sa kamay ko. Hinahalikan nya pa minsan (ang sweet...kinikilig ako XD), feeling ko talaga isa akong prinsesa. Minsan automatic, pag naglalakad sa kalye o kahit nakaupo lang, magkakahawak kamay.

Ano bang meron sa kamay at gustong gusto mo itong hawakan? Sa tingin ko, ang paghahawak ng kamay ay isa sa mga paraan para maipahiwatig ng nararamdaman. Kumbaga, body language para maipadama mo ang iyong pagtitiwala at pagmamahal.

11 nagsalita

Gala To The Max


Friday, Saturday, Sunday, hulaan mo kung nasaan ako sa mga araw na yan. Lookie..












Hanggang ngayun antok pa rin ako, di pa rin nabawi ang tulog. Pero worth it, ang saya-saya. Sa uulitin hihi.

6 nagsalita