Oh My Ghulay!


Ngayung gabi, nagtext ang love-of-my-life na magchachat daw kami in 30mins. Di naman ako masyadong excited kaya open ko agad ang laptop ko. Check ko kung merong load pa (dahil globe tattoo lang ang gamit ko). Yes! Meron pa.

Kalmado na ako ngayun, pero kanina gusto ko na umiyak. Kasi naman, pagka-open ko ng laptop ko, lowbat ito. So kinuha ko ang charger sa bag at sinaksak ko agad. Nagbilang pa ko ng tatlo bago ko sinaksak dahil takot nga ako sa kuryente. Then tumayo ako ulit para kunin ang headset dahil ayoko naririnig ang mga sumisigaw sa tv (nanonood si papa ng horror movie...anak ng tinapa).

Pagka-connect sa net, nagsimula na akong magblog hop at nagpatugtog ng Yanni songs ng sobrang lakas. Wala pang 5mins biglang namatay ang tugtog at namatay din ang laptop. Taka ako. Nagalit ako dahil ang charger ay hindi na nakasaksak. Inakusahan ko agad si papa (dahil kaming dalawa lang naman ang andito). Nagalit sya, dahil inakusahan ko sya, dahil hindi naman daw nya ginalaw at hindi rin naman daw sya tumayo sa kinauupuan nya. Anak ng tinapa! Bakit natanggal? Hindi lang basta natanggal, maayos pa ang pagkalagay sa ibabaw ng radyo. Kainis natakot ako. Promise naiiyak na talaga ako kanina. Sinabihan pa ko na baka may multo dito. Nak ng! Alam namang takot ako don arrggh.

Pagka-open ko ulit ng laptop, patugtog ulit ako ng Yanni songs ng sobrang lakas para mabaling sa iba ang iniisip ko. Erase erase...di ko na dapat isipin. Last na to, di na dapat isipin.

9 nagsalita

9 nagsalita:

Leonrap said...

ahahaha..... ala ka.. may mumu! ahahaha....

globe tattoo din gamit ko... namumulubi na nga ako kakaunli for 1 day eh.. kaya minsan kahit 5 pisong load pinapatulan ko.. maopen lng ang blog for 15 mins.. ahahaha... hirap ng walang DSL connection! ahahaha

Anonymous said...

baka hanggang dalawa lang ang nabilang mo, hindi ka umabot sa tatlo kaya hindi mo nasaksak..hehe

Kapag ganyan situation mo, na may mga nangyayaring kakaiba, isipin mo lang ung mga movies na nakakatuwa..tulad ng THE RING, GRUDGE, FRIDAY THE 13TH, TAPOS SI SADAKU NA LUMALAPAS SA MONITOR..yan mga ganyan guni-guni, makakatulong...hehe.. GE-OH-KE-EH.

Anonymous said...

Nak ng bakang baog...AKONI pala..LOL

~ JaY RuLEZ ~ said...

minumuloto ka na...lagot..awooooonessss....lol

Kraehe said...

Leonrap
salamat sa dyos at nakatulog naman ako ng maayos kagabi, matagal nga lang ahaha. langya un. hirap nga ng walang dsl, minsan maiinis ka sa sobrang bagal ng connection. kaloka!

Anonymous
tatlo yun, sumigaw pa nga ako dahil nagspark yung plug. puro naman horror yan lolz. friday the 13th lang ang hindi ko napanood dyan, pero ang the grudge hindi talga ako pinatulog ahahaha.

~JaY RuLEZ
wag naman po sana huhu. ang cute ng awoooness lol

duking said...

sayangtipik eksplenesyun lang, maaaring grabitesyunal fool lang ang dahilan ng pagkakahulog ng plag ng tyarger. o kaya naman, nakatakda talagang hindi kayo maka-pag tsat sa araw na iyon.

yun lang. hakhak!

Sharlot said...

wag kang tumingin sa salamin.. baka meron kang makikitang masamang elemento.. nyahaha

Kraehe said...

duking
hahaha salamat sa sayantipik eksplenesyun. sana ganun lang at wala na ibang dahilan. salamat po sa pagdalaw

Sharlot
wag pong ganun XD mahilig pa naman ako manalamin.

cLai ♥ said...

sabi nila para mawala ung multo kailangan ng "happy thoughts"...happy happy happy ^_______^

Post a Comment