PBB Audition


Ito ay para sa post ng PBB Audition by Jhengpot. Dahil gusto ko ng gulo, makikigulo ako ahihi. Joke lang, di ako masamang tao. I mean gulo na masaya.

Ako si Kraehe, hindi totoong pangalan. Dahil marami akong pangalan. Halos karamihan ng nakilala ko iba-iba ang tawag sakin, na yun na rin ang nakasanayan nila. Pero konti lang ang tumatawag sakin sa totoo kong pangalan. Weird di ba? Hindi ako bibo, makwento lang pag hindi tinatamad ahaha. Hindi rin ako mahilig magpicture-picture sa sarili ko. Kasi kahit anong gawin ko panget ang kalalabasan XD sayang lang effort ng ngiti ko wehehe.

Marunong ako sumayaw at kumanta, isa akong all time frustrated violinist. Never say die ang motto ko, kaya naniniwala ako na mapeperfect ko pa rin someday ang Twinkle Twinkle Little Star sa violin. Mahilig ako magbasa ng libro, mangalikot ng kung ano ano, at mag-daydream. Isa akong tao ahihi.

Lablayp. Meron ako, at inlab ako. Meron syempreng ups and downs, di naman nawawala yan. Pero getting stronger as we go further kumbaga.

Yan lang po ang tungkol sa akin. Naniniwala po ako sa kasabihang, ang tao pag naapakan ay nagigising. I thank you.

13 nagsalita

13 nagsalita:

Lhuloy said...

nice one!
prang gusto ko
n dn tuloy sumali...

jejeje
husay naman...

Leonrap said...

ahaha... nag spy lang ako sa entry ng makakalaban ko. ahahah

Kraehe said...

@Lhuloy
sali ka na rin, the more the manier ehehe.

@Leonrap
ahaha spy ka dyan, okay lng yan noh. spy din ako sa entry mo :P

~ JaY RuLEZ ~ said...

haloooo..ay bago dito...ayon oh...

dumarami na oh :)

aftie kraehe

Kraehe said...

@Jay Rulez
good afternoon din sayo. salamat sa pagbisita. dami na tayo sumasali hihi. good luck sa mga mapipili ni big brother.

Lhuloy said...

cge try kong mag-compose clara!
jejeje...nkakaexcite...jejeje

mommy-razz said...

kraehe: e-link mo yan sa audition blog ni jhengpot tpos sa comment ilagay mo ung link nitong blog entry mo.. hehe fyi lang..

yes madami na tau. good luck to us.. hahaha

Kraehe said...

@mommy-razz
uu nga pala, nakalimutan ko hahaha. link ko na.

Kamila said...

Hahaha salamat sa pagsali Kraehe.. host pala ako dito.. hahaha

jhengpot said...

woooh! APIR! ako din super duper dream ko matuto mag violin.. aun nga ang laging wish ko pagbirthday at xmas, ang magkaroon ng violin! hehe

Salamat pala sa pagjoin :)

Kraehe said...

@Kamila
wow! ikaw ba si toni dito? hihihi. pero nice talaga.

@jhengpot
naku, sobrang hirap matutunan ang violin need talaga ng tyaga at oras. sana makuha ako sa audition wahihihi.

egG. said...

panalo... ang kasabihan.... heheh

nakiki-spy lang ahahah :D

Kraehe said...

@egg
salamat wahihi. pinag-isipan ko talaga ang kasabihan na yan wahihihi. nagspy na rin ako sa entry mo :P

Post a Comment