Paano Ba Ang Magkwento?



Paano ba magkwento? Dapat ba matalinghaga? Makwela? Misteryoso? Baka pwede ring may pagka-makata. Dapat ba detalyado? Lahat ng sulok ng silid dapat bang banggitin? Ang kulay siguro ng bawat gamit ay dapat ding sabihin. Siguro pati ang laki o bigat nito.

Siguro pati ang mga tao sa paligid. Pag kilala babanggitin ang pangalan, pag hindi naman ang ayos na lang ang pwedeng banggitin. Pati siguro ayos ng mukha, kung matangos o pango ang ilong. Kung payat o mataba man. At siguro ang pananamit, kung magara ba o gusgusin.

Paano ba ang magkwento? Marami sana akong kwento, pero hindi ko alam kung pano isasalaysay ang mga ito.

8 nagsalita

8 nagsalita:

Akoni said...

Wala akong alam dyan karen, basta ang sa akin nagkukwento ako na parang kaharap ko lang ang magbabasa...hehehe..

musingan said...

nako.. nagsusulat lang ako.. pero di ko alam ang sinasabi ko.. eheheh/// basta/// pagsulat ka nalang... ok na yun...

ISTAMBAY said...

sa ganang akin, kailangan may tinutumbok tayo kaya tayo nagkukwento.. maaring idetalye o hindi.. gamitan ng mga salitang mahirap intindihin.. basta depende sa makakarinig o makakabasa ng kwento ang nais mong iparating...

eh ayon lang.. ako kasi, malalim kung magsalita.. bahala na ang magbabasa (kung meron) kung ano ang kanyang pagkakaintindi.. basta palagi meron ako tinutumbok hehehe

magandang araw...

Kamila said...

may nabasa ako.. ihugis bilog mo kamay mo na parang tumitingin sa telescope, tapos tumingin ka daw sa isang direction, yung tatlo o apat na bagay daw na makikita mo sa bilog na yun, pwede na yun description sa kwento. hehehe..

tapos sabi din dun sa nabasa ko, ikaw na nagsusulat ang bahala kung gusto mo medjo may pagka descriptive ang mga tauhan at character. hindi naman daw kailangang isang bagsakan ang description ng kwento.. pwede all through out sa kwento ikalat mo katangian ng character. hehehe...

paano magkwento..? di ko alam.. pero siguro dapat sincere yung kwento mo.. ayun lang kung true story or fiction lang.. basta sincere.. hehehe

nagmamagaling ba masyado.. hehehe madami lang nabasa... sensya na... :)

Kraehe said...

@Akoni
ang layo naman ng kraehe sa karen XD kraehe is the japanese of claire...malayo pa rin XD

@musingan
sige magsulat na rin ako ahihi. salamat po sa pagdalaw

@ISTAMBAY
yeah, yun nga gusto ko sa mga posts mo, merong laman. gusto ko magkwento, kaso di ako marunong ahihihi. ala lang.

@Kamila
salamat sa tips ahihi. magaling ka nga magkwento eh. nadadala ako sa emosyon ng kwento mo. tsk galing. san mo ba binabasa ang mga tips na yan?

Leonrap said...

ako, nagkwekwento lang ako na parang ako ang story teller... hindi ako masyadong marunong gumawa ng mga may dialouge or something.. pero gumagawa ako ng script kung heavy drama sa school play namin nung nagaaral pa ako... hehehe....
pero kahit ano yan, style mo yan! wapakels ung iba! ahahaha

Arjee said...

basta kwento lang as if nag-uusap lang kayo ng reader...

Kraehe said...

@Leonrap
salamat sa tips, natuwa naman ako at meron din nagcomment hihi. kala ko walang magtyatyaga ahihihi.

@Arjee
minsan din naisip ko na pano kong magulo ako na nagkwento wahihi. salamat din po sa pagdalaw.

Post a Comment