Ang Kaharian


Sa kakabasa ko ng mga novels na kaharian ang tema minsan napapaisip din ako kung ano bang kaharian ang gusto ko. Sa isang libro na binasa ko (na hindi ko tinapos dahil nosebleeding), merong isang babaeng regent o pansamantalang namumuno sa isang kaharian. Dahil babae sya at hindi pa taga doon, marami ang komontra sa kanya (gender discrimination lang). Kaya hindi naging madali ang trabaho nya. Ang mga sinaunang tao talaga, gusto nila pambahay lang ang mga babae tsk tsk.

Back to topic, ang kaharian. Pag ako ay napapabilang sa isang dugong bughaw (syempre ako ang prinsesa), gusto ko kulay light blue ang kwarto ko. Merong porch syempre kung saan makikita ko ang buwan at bituin sa langit sa gabi. Merong isang secret door na ang likod nito ay isang secret tunnel papunta sa aking secret garden na pwede kong puntahan kung nalulungkot ako, o kaya pag masaya ako. Syempre me violin din ako at sana laptop na rin na pwede kong dalhin sa aking secret garden.

Gusto ko pixies ang tagabantay ko (katulad ng nasa taas). Bakit hindi fairies? Dahil pwedeng malaki ang fairy, pwedeng maging kasinlaki ng tao. Gusto ko maliit lang, ang pixies ay kasinlaki lang ng palad kaya sila na. Sila ang tagahatid ng pagkain, tagabihis sakin, and wait...pag tumakas ako papuntang secret garden pwede ko silang isama.

May naisip ako. Pano kung don sa secret garden ay merong isa pang tunnel papunta sa village. Gagala gala ako sa village at magpapanggap na ordinaryong tao. Gasgas moves na ito ng mga fairy tales, pero ang mga suwail na prinsesa namang yun ay walang ginawa kundi ang gumala dahil sawa na sila na may guwardiya na laging nakabuntot sa kanila. Syempre iba ang motive ko, gusto ko malaman kung ang mga ordinaryong tao ay maayos naman ang pamumuhay. Kung maayos ba ang pakikitungo ng mga opisyal sa kanila sa palasyo o baka pinasalvage ng di malaman ang dahilan. Malay natin diba? Sabi nga nila, to see is to believe.

Dahil ikaw din naman ang susunod na uupo sa trono (ako pala), maaga pa lang ayusin mo na. Bilang isang prinsesa dapat marunong ka makipag-kapwa tao. Marunong ka dumiskarte, hindi lang puro pagpapaganda ang inaatupag sa maghapon. Sayang naman ang opportunity na sa buong mundo ay mabibilang lang sa daliri ang makakaranas nito.

Dahil ito ay isang guni-guni lang, lubus-lubusin ko na. Isasama ko na rin ang mga larawan na malapit sa idea ng aking guni-guni.

Ang kastilyo. Dito kunyari ang aking kaharian.


At ang kunyari kong secret garden.

9 nagsalita

9 nagsalita:

mommy-razz said...

BLUE din fave kong color.. hehe!

ang sarap maging prinsesa sa ating sariling kaharian..

Kraehe said...

mommy-razz
apir sa kulay hihi. gawa ka rin ng kaharian mo mommy razz.

Diamond R said...

ako prinsipe ikakasal na kay kate.
invited ka sa wedding of the century.Manood ka.

Whhoooh.

Matagal ko na ring iniisip yan ang maging hari ng sarili kong kaharian.

Ash said...

haha, it's like a dream come true na magkaroon ka ng kaharian sa mundong ibabaw ngayon. Ang kaharian sa panahon ngayon ay ang mga churches, nagtatalo ang bawat churches eh, at isama mo pa yung kaharian ng gobyerno at pulitiko, masyadong maingay at magulo, hehe, sa mundo ngayon ang bawat sektor ang kaharian, sana may kanya kanya ring kaharian ang pamilya, wala nang kahirapan sa mundo, tapusin ang kahirapan ^^

Anonymous said...

Una, parehas tayong mahilig sa kaharian, gusto ko ang mga kwentong kaharian din ang tema, yan ang gusto kong guni-guni, kaya nga akonilandiya ang blog ko, para sounds like kaharian...hehe..wala alng..haha

kakatakot ng kaharian mo..hehe

Prince Akoni

Leonrap said...

astig.. isama mo nmn ako sa kaharian moh.... ahahaha
gusto ko yan!! kaso wala lang akong hilig magbasa ng mga ganyan...

Nimmy said...

Wow! Ang lupet nito! Ganda ng imagination mo :)

Kraehe said...

Diamond R
kumusta ang kasal? napanood ko pero lapit na rin yun matapos.

Ash
sinabi mo pa. ang kaharian na sobrang ingay at sobrang gulo. bangayan doon, bangayan dito. patayan doon, patayan dito. ang new age kaharian na walang katapusan ang gulo.

Akoni
bakit nagtatago ka sa pangalang Anonymous? wahihi. pansin ko nga rin na mahilig ka don dahil sa title ng blog mo.

pero bakit nakakatakot ang kaharian ko? XD magic kaharian yan wahihi

Leonrap
oh sure, gusto mo isa ka sa mga council wakekeke. pero dapat isa kang elf. gusto ko kasi elf ang mga council ko hihihi

Nimmy
salamat ahihi. yan ay produkto ng aking hindi kalikutang
guni-guni.

vishal kumar said...

apir sa kulay hihi. gawa ka rin ng kaharian mo mommy razz.
nice article I like your blog.
escorts in kanpur

Post a Comment