Ang Aking Imahinasyon sa Tubig ng Dagat


Madilim. Walang buwan at mga bituin sa langit. Wala ring ulap, parang empty space lang. Nakahawak ako sa harang ng deck ng malaking barko. Tinanaw ko ang dagat, ngunit kadiliman pa rin.

Katamtaman lang ang simoy ng hangin. Walang kahit anong ingay sa paligid. Wala ring tao o kahit ano, ako lang at ang sinasakyan kong barko.

Sa ibayong dako, meron akong natanaw na maliit na bagay. Palapit ito ng palapit, waring lumulutang. Palaki ng palaki ang bagay na iyon habang ito ay mabilis na pumapalapit sa kinatatayuan ko. Hanggang sa natanaw ko ang kabuuhan nito. Isang malaking kastilyo, nakalutang sa tubig. Maraming lumang bintana, ngunit nakasara. Mayroong veranda sa may bandang kaliwa. At nag-iisang pintuan sa gitna. Howl's moving castle ba ito?

Napatingin ako sa may pintuan, bahagya itong bumukas. Pagkabukas nito, walang anu-ano at merong lumabas na lubid sa pinto. Para itong may buhay na itinali ang sarili sa barko at ang iba nito ay nagtali sa kanya kanyang pwesto at nang natapos ito ay naging tulay. Isang lubid na tulay mula sa barko papuntang pintuan ng kastilyo.

Ang pintuan ay parang nanghihikayat. Halika, pumunta ka dito. I has cookie. Nasa trance state ako, (ano ba tagalog ng trance?). Parang nagsasalita ang pinto, halika na. Tumawid ako sa tulay, dahan dahan. Nakarating ako sa kastilyo at pumasok sa pinto.

Pagkapasok ko sa loob, bigla itong nagsara. Pilit ko tong binuksan, ngunit ito ay unti-unting naglaho. Wala na ang pinto, wala na akong lalabasan. Pero wala sakin iyon, wala akong nararamdamang takot.

Sa loob ng kastilyo. Puro hagdan. Mayroon paakyat, pababa, paikot, meron ding nakalutang, nakatagilid at nakabaligtad. Marami ring nakalutang na kandila. Lahat ng naroroon ay hagdan lamang at kandila. Sinimulan ko umakyat sa pataas na hagdan. Nakarating ako sa paibaba, sa paikot, sa nakabaligtad, sa paikot. Napakaraming hagdan, sinubukan ko lahat.

Nakaramdam ako ng pagod, sumakit ang mga paa ko. Sa lahat ng nasubukan ko hagdan, walang nakakonekta sa isang silid man lang, o sa isang kusina o bintana. Bawat isa ay nakakonekta lang sa isa pang uri ng hagdan. Medyo madilim, marami ngang kandila, pero hindi iyon sapat para magbigay ng liwanag sa buong paligid.

Natakot na ako, hindi ko alam kung papano ako lalabas sa lugar na ito. Napaisip ako, sana nanatili na lang ako sa barko. Sinubukan ko ulit ang mga hagdan, baka isa sa mga ito maghahatid sakin sa exit. Pataas, patagilid, pabaligtad, pababa. Wala. Ganun pa rin.

Nawalan na ako ng pag-asa. Napa-upo na lang ako sa tabi, tahimik na nakatingin sa mga hagdan. Nagbabakasakali na isa sa mga yun merong daan palabas.

Sa isang sulok, merong akong namataan. Anino? Paano nagkaroon ng anino dito? Isang anino na hugis tao. Palakad lakad, patakbo takbo. Tumayo ako, sinundan ko ang anino. Paakyat sa isang pataas na hagdan na ilang beses ko na nadaanan. Tumakbo ito, bumilis na waring nagpapasunod sa akin. Pataas ng pataas na tila walang katapusan.

Lalong sumakit ang aking mga paa, masyado itong mabilis. Hindi ko halos mahabol. Mabigat ang aking katawan, natalisod ako. Bigla itong huminto sa pagtakbo, naglakad patungo sakin. Iniabot nya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. Nakatayo ako, inakay nya ko. Dahan dahan ako, kami, naglakad pataas ng hagdan.

Sa akala ko walang katapusan na hagdan, sa bandang dulo nito ay mayroong pinto. Nakasara, ngunit pinto pa rin. Dahan dahan pa rin akong inakay patungo don. Pagkarating sa dulo, ang anino pa rin ang nagbukas ng pinto. Ang labas nito ay ang veranda ng kastilyo. Ang barko na dati kong kinatatayuan ay nasa aking harapan. Natuwa ako, makakabalik na rin ako.

Humaba ang kanang braso ng anino at kumapit ito sa isang parte ng barko. Hawak nya ako sa kaliwang braso at sabay kaming lumundag papunta sa barko.

 March 31 pa itong nasa draft, ngayun ko lang natapos. Sa wakas. Ito ang matagal ko ng panaginip, as usual. At narealize ko na pwede din pala ang tagalog sa pagsulat ng dreams ehehe. Sa umpisa kasi ang hirap, parang mas expressive pag english. Anyway, ang title ay sa isang dream ko rin, wala ako maisip eh.

8 nagsalita

8 nagsalita:

mommy-razz said...

mahiwagang imahinasyon o panaginip... maganda pagka kwento.

gud afternoon sau.

Kraehe said...

salamat po mommy-razz, magandang hapon ^___^

musingan said...

mukhang nmaganda to.. mamaya ko na basahin sa bahay.. nasa office ako.. eheheh

Akoni said...

weird...hehe..consult mo yan sa dream reader. teka trance daw ay pagkawalang diwa, ayun sa bulong bulongan..

bakit hindi mo isinulat sa salitang english kung mas maeexpress mo?

Leonrap said...

ahhmmm.... ikaw na expressive when it comes in english! ahahah.... itranslate mo din kung wala kang magaw... lol


iniimagine ko pa... malalim para sakin eh... slow na naman utak ko.. ^^

Kraehe said...

@musingan
salamat po sa pagdaan, ganyan talaga sa ofis noh? mga nakaw na sandali wakekeke

@Akoni
yun pala ung trance, masyadong malalim, nalunod ako. di ko matranslate sa english, kasi nauubusan ako ng terms ahahaha.

@Leonrap
yun nga, nauubusan ako ng english at medyo malabnaw ang utak ko ngaun. haggard wakekeke. salamat sa pagdaan.

Kamila said...

ang ganda super... super ang expressive nga.. tiningnan ko nga ulit yung title kase parang panaginip.. ang ganda.. pero panaginip pala talaga.. ang ganda..

Kraehe said...

@Kamila
salamat po sa pagdaan, salamat at nagustuhan nyo ang kwento ko hihi.

Post a Comment