Minsan sa Bus


May babae na mag-isang nakaupo sa tatluhang upuan ng bus. Medyo wala gaanong pasahero kaya magkakalayo ang pagitan ng bakante at hindi bakanteng upuan.  Habang si manong kundoktor ay nakikipagsabayan sa ingay ng paligid, sya ay tahimik lang sa kanyang kinauupuan na parang malalim ang iniisip.

At nang umisod na ang sasakyan para sa susunod na destinasyon, merong isang lalake na mabilis na umakyat sa bus. Pagka-akyat ang dali-dali syang tumabi sa kinauupuan ng babae.

Habang nasa byahe, itong damuhong lalake ay halatang dumidikit sa babae. Aba eh ang luwag luwag naman ng sasakyan kung bakit nagsusumiksik itong feelingero na ito. Medyo inis na rin si babae. At dahil panay dikit ni lalake at naiinis na si babae, nagsalita na sya.

Babae:  Pwede po bang umusog kayo ng konti, ang luwag po ng upuan.
Lalake: (Tumawa) Akala ko di ka magsasalita, sinadya ko yun para pansinin mo ko.
Babae:  (Tinaas ang kaliwang kilay).
Lalake: Suplada ka pala, hindi halata sa hitsura mo. (Ngumiti)
Babae:  Hindi ako suplada, hindi lang kita kilala.
Lalake: Alam mo, sa kabilang bus sana ako sasakay, kaso nung nakita kita sa may bintana nacutan ako sayo ahaha. Ako nga pala si Mark. Ikaw, anong pangalan mo?
Babae:  Clara. (Pekeng ngiti)
Lalake: Ahh, nice meeting you Clara. Ang cute talaga ng pisngi mo ahahaha. May boyfriend ka na?
Babae:  Yup, meron na.
Lalake: Ahh, ako din may girlfriend na. (Binunot ang cellphone sa bulsa ng pantalon nya at pinakita sa babae ang wallpaper nito).
Lalake: Ito kaming dalawa. Maganda sya ano?
Babae:  Oo, maganda sya. (Pekeng ngiti pa rin)

Biglang nag-ring ang cellphone pero tumigil lang din ng dalawang segundo.

Lalake: Nagmisscall sya (ngiti), alam mo ba ang meaning ng misscall?
Babae:  Hindi eh, ano ba meaning nun? (Hindi naman po sya masyadong madaldal?)
Lalake: Ibig sabihin nun, I miss you, I love you. Pag nagmisscall sya, yun ang ibig nya sabihin nun.
Babae: Nice, ang sweet naman pala ng girlfriend mo.
Lalake: Oo, sweet sya hehe. Syanga pala, pwede ko ba hingin ang number mo?
Babae:  Bakit?
Lalake: Ala lang, pwede ba kitang yayain lumabas? Friendly date or something. As friends lang naman.
Babae:  Hindi pwede, may magagalit (Ngiting di makumbinsi)
Lalake: Kahit as friends?
Babae: (Ngiti ulit)
Lalake: Ang swerte naman ng boyfriend mo ehehe. (Ngiting sapilitan)
BabaeAng malas ng girlfriend mo.

Huminto na ang bus. Merong iba na nagsibabaan at meron namang nagsisakayan. Si manong kundoktor ay busy ulit sa pagtatawag ng pasahero. Sinukbit ng babae ang shoulder bag na kanina lang ay nakapatong sa kandungan nya at tumayo.

Babae:  Sige ha, dito lang ako.
Lalake: Dito ka na lang ba? O sige sige, ingat ka ha.
Babae:  Oo, lagi akong maingat.

23 nagsalita

23 nagsalita:

SPLICE said...

Interesting story! :D

Did it really happen? Were you the "Clara" in the story?

mommy-razz said...

ang taray nong girl ah.. hehe!

Kamila said...

nangyari ba toh sa totoong buhay?? adik yung lalake.. hehe may gf na pero nang-gaganun..hahah

Kraehe said...

@SPLICE
yeah, nangyari yan. at ako yung "Clara". neway, yung pag-uusap na yun, hindi Clara ang binigay ko sa kanya, pero hindi rin ang tunay kong pangalan hihi.

@mommy-razz
ahahaha...mataray ba?

Sharlot said...

malas talaga ng girlfriend niya.. weee

Kraehe said...

@Kamila
meron talagang ganun lolz. kafal muks

@Sharlot
wakokok masyadong friendly ang bf nya.

Akoni said...

na-kyutan ako sa storya, kinilig ng kunti..itutuloy ba itech? ayos ang banat ni lalake, magaya nga minsan..haha

Leonrap said...

ahahaa.. ayun oh, PAKIPOT sa una, pero bumigay din.. ahaha.. landi!

ang cute ah... tapos, may kasunod pa ba to? bitin...

Kraehe said...

@Akoni at Leonrap
one shot lang yan, wala nang itutuloy. don lang natapos ang kwento hihi.

musingan said...

ganda ng pagkakagawa... magaling magaling magaling...

Leonrap said...

dugtungan moh... hehehe...

Kraehe said...

@Leonrap
wakekeke wala nang sumunod pagkatapos nun kaya di na sya madudugtungan :D

Kraehe said...

@musingan
salamat sa pag-comment at pagdaan ^__^

Anonymous said...

I am the lucky guy in that story :)

Kraehe said...

@Anonymous
yeah :P stalker hihi mwah!

exanthiel said...

"Ang malas ng girlfriend mo"

XD idol!!

ambait mo naman te :D

uno said...

parang true to life experience to ah

ika wba yung babae

Kraehe said...

@exanthiel
hindi ako mabait, nagmamahal lang ahihihi...cheezweeez! salamat sa pagdalaw

@uno
yeah, nasa comment number 4 XD
salamat sa pagdaan ^___^

Lhuloy said...

so ikaw pla c clara! ako nga pla si mara..jejeje..juk!
(ambixoxa ih noh!!!)

hanep baka aman may vdeo s paligid tpus part ng taping yun tnetesting ang temper ng bbae?! lo long kasi parang my napanuod akong ganyan..(prang ih noh?! d sure! jejeje...)

So ayon n nga late na kong nakacoment dto, cnxa ah..juju..
dpat s knya konyotan ih...jejeje...

LhanLhan said...

ang kulit naman ng istorya. akala ko gawa lang. ikaw pala yun. nagandahan siguro sya sayo ^^

Kraehe said...

@Lhuloy
ahaha merong ganun? ang alam ko lang merong ganun ay wow mali. pero wala namang nagsabi, nasa wow mali ka wakekeke.

@Lhan
malabo lang siguro mata nun wakekeke. salamat sa pagdaan ^__^

Katherine said...

Ang taray mo girl! Pero tama lang yun sa kanya. Ang malas nga ng girlfriend nya. Kung ako yung nasa lugar mo, dedmatology 101 ang drama ko hanggang mapagod sya kakasalita. Hahaha!

Kraehe said...

@Katherine
thank you at dumalaw ka ulit dito. grabe tagal ko na rin di nakapag-update. Okay din ang dedmatology, kaso di ka makakaganti eh wahihihi. Mas maganda rin minsan ang magtataray wakekeke.

Post a Comment