March Updates


Di ata ako nakapag-update ng list of Dugong Bughaw last February kaya ngayun update ko na sya. Medyo hindi pa rin kompleto kasi yung iba hindi ko pa nailagay. Yung iba nasa waiting list pa, so di pa talaga sya final. Medyo busy rin kaya di na masyadong nakakapag-update at nakakapag-bisita. Hirap ng dalawa ang trabaho lol.

Anyway, dahil update ngayun maglilista na rin ako. Medyo matagal tagal na naman ang muli kong pagkabuhay (2 and a half months na ahihihi), meron na akong karapatan magdeclare ng favorite blogs ko. Ito ay maiksi lamang. Sinadya ko talaga to kasi kapag mahabang listahan, magiging bias na ako.

Sa mga kaharian na kung saan pinadpad ako sa aking itim ng pakpak, ito ang aking mga kinagigiliwan.
  1. Batas Para sa Mahirap...Umintindi - Ang walang kamatayang panyero.net. Nakakawiling basahin at infairness marami akong natutunan. Halos lahat yata ng entries nabasa ko, mula sa pinaka-unang post hanggang sa latest. Kaso yung ibang info nadidisolve lang din sa utak ko. Mababa lang kasi memory ng utak ko ahaha. Kailangan ko na mag-upgrade.
  2. Splice and Dice - Introduce ito sakin ni Nishiboy. Simple lang ang blog at walang maraming ka-ekekan sa gilid. Pero promise, kailangan katabi ko si google o kaya si mr webster pag nagbabasa ako ng entries nya. Nosebleed. Pero kahit na tumutulo na ang dugo sa ilong ko, at puno ang isang timba minsan, go pa rin ako. Ganda ng pagkasulat at astig ang sense of humor. Yun nga sa tuwing bumibisita ako sa kahariaan ni Splice ay hinihiram ko muna ang invisibility cloak ni Harry dahil feeling ko wala talaga akong malaking titik na K na magcomment.
  3. I S T A M B A Y - Pinoy na pinoy at astig! Dito rin maraming mapupulot na aral. Parang modern na mga kwento ni Lola Basyang dahil mayroong moral lesson bawat post. Kaya idol ko to, at tuwang tuwa ako pag merong bagong post ahihihi.
Ayan ang aking top three, sa mga susunod na updates baka madagdagan na.

At dahil nagdadaldalan kami ni Nishiboy sa chat, minsan nagcocompare kami ng mga favorite blogs namin. Di rin maiwasan na mapunta ang topic sa most annoying slash irritating slash worst blog namin. At nagpalitan pa kami ng links at kung bakit hate namin ang blog na yun. Aminin, meron ka rin nito hihi. At ayun, nag-dare sya na pag nagpost ako ng list of annoying blogs ko, magpost din sya wakekeke.

Pero pero, nope. Ayaw ko. Dahil ayoko ng gulo, friendly ang aking uwak. Behave sya para di sya maging fried uwak na pwedeng pang-ulam.

Anyway ulit, ito ang video na nakita ko sa facebook at tuwang tuwa ako. Share ko lang para matuwa din kayo ahihi.

.

14 nagsalita

14 nagsalita:

uno said...

congrats sa lahat!

SPLICE said...

Maraming salamat Kraehe! Nakakataba ng puso :)

Ako rin, pag bumibisita dito sa iyong kaharian ay naka-invisibility cloak, nahihiya rin ako mag-comment hehehe :) This time, though, I decided to express my gratitude by posting a comment. I think it's the least I can do to show how thankful I am. Maraming salamat ulit!

Leonrap said...

2 trabaho mo??? programmer at ano ung isa? ahhmmm... mayama ka na noh? ahaha,...

Sharlot said...

funny military video. thanks for sharing

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wow yun oh congrats sa kanila :D

ISTAMBAY said...

wow.. salamat naman marekoy.. haha.. ang ngiti ko naman hehehe

thanks talaga ha.. hugss and kisses... hihihi

wow ulit... thanks ng many...

hala.. ang saya ko ... :)

magandang araw

Kraehe said...

@uno
salamat po sa pag-bisita ^__^ magandang umaga. kape muna tayo.

@SPLICE
salamat sa pagdaan, its an honor nga eh na magcomment ka sa aking munting kaharian ahihihi. idol ka namin ni nishi hihi.

@Leonrap
programmer at programmer pa rin wakekeke. programmer sa umaga at programmer sa gabi. haggard di vah? XD at uu, mayaman ako...sa utang wahihihi.

@Sharlot
salamat sa pagdaan, ewan ko ba..tuwang tuwa talga ako sa epic fails ahihihi

@AXL
salamat po sa pagbisita ^__^

ISTAMBAY
wag sobrahan ang ngiti baka kung ano na sabihin ng mga tao na makakakita sayo ahihi. walang anuman, tuwang tuwa talaga ako sa posts mo kaya isa ka sa aking top ^__^

Kamila said...

dalawa trabaho mo? oo inulit ko lang sinabi ni rap.. hahahah pero grabe dame kong tawa dun sa video.. hahahahahahahahahahahhahahaha! LOL

Kraehe said...

@Kamila
actually isang klase lang, magkaibang tao lang.

Akoni said...

whhhaatt theeeee....hahahaha...ang dami ko sana sasabihin kaso natuon sa ang utak ko sa video...hahahaha...naihi na ata ako...hahahahhahaha...putek na yan...hahaha

Kraehe said...

@Akoni
hahaha! kulit noh? parang isda lang na tumalon sa glass ung bala wakekeke.

Nishiboy said...

malapit na din akong mag post ng favorite blogs ko.

obviously, kasali si splice. lol.

at natawa naman ako dun sa pinaka hate nating blogs. haha. naalala ko bigla silang lahat. ssshhh!!!

Toyin O. said...

Nice looking blog:)

Kraehe said...

@Toyin
Thanks ^__^ and thanks for droppin by.

Post a Comment