I has Post


Great! Ako ay nagdidileryo na naman. Hindi masyado hihi, nagwiwithdrawal syndrome lang. That's right wahihi. Ako ay isang adik, isa akong adik! Di ko pinagkakaila at di ko itatago. Na isa akong adik sa ONLINE GAMES. Yun nga ang sabi nila, pag adik ka, wala lang..adik ka lang.

Ito so far ang mga nalaro ko.
Ragnarok Online, Tantra Online, Flyff, Granado Espada, Dream of Mirror, Audition Online, Cabal Online, Dragonica, BandMaster, Bright Shadow, Kitsu Saga, Gunbound, 2Moons, Runescape, Shin Megami Tensei, RO2

Nakalimutan ko na yung iba, yan lang matandadan ko. Alam mo merong iba dyan na mas mahaba pa dyan sa listahan ko. Di na yung bago, marami akong kilala ahihi.

Nakakamiss din kaya. Nakakamiss ang makikipag-pvp, makipag-siege wars, makipag-angasan, makipag-sawsawan wahihi. Lalo nakakamiss ang game lingo. Sa phil servers pinaka-common ang amf o kaya amfufu. Dati amp na pina-iksi sa salitang amputa, katagalan naging slang ang mga tao naging amf na. And worst naging amfufu. Oh well, nag-eevolve talaga ang language. Marami pa ibang terms, like imba, pots, pabaps, sawsaw, weakling, pt, meat shield. Ano pa ba? Nakalimutan ko na yung iba.

Pag international servers namin, uso ang sobrang shortcut. Tulad ng imma, srously, orly. Uso din ang wrong grammar. Tulad ng, I has lag, I is dead meat. Nakakatuwa, namiss ko to. Dati fluent ako sa wrong grammar game lingo hihi.

Nostalgic, Hahayz. Share ko pala ibang screenies na nakatago pa sa pc ko.


Dream of Mirror - my musician and my pet 



Granado Espada - perfect screenie of my Ani family



Battle of Immortals - we the couple



Tantra Online  - the master and the summon tee hee~

16 nagsalita

16 nagsalita:

SPLICE said...

Adik ako dati sa pRO. Beta days! Chaos, tapos Iris! :D

Sinubukan ko magbalik Ragna last year [April, sa New Chaos], pero hindi ko na naipagpatuloy. Tinamad na ako hahaha :)

Kraehe said...

@SPLICE
nakakatamad na talaga bumalik ng pRO, puro na kasi bots kaya ako nagquit dati. Ako naman galing Chaos then Fenrir. halos lahat ng jobs nagawa ko. pero di ko na naabutan ang 3rd job. don sa start ng alternative jobs na ko nagquit.

nyabach0i said...

shet namiss ko maglaro ng RPG games. hindi man ako nahumaling sa RO or whatevs adik na adik naman ako sa RPG! hehe.

jhengpot said...

habang binabasa ko to, nitignan ko ulit kung princess ba tlga ung nabasa ko sa taas.. babae na adik sa ol games? haha..pangalawa kna sa kakilala kong ganyan..hehe

Kraehe said...

@nyabach0i
ahahaha apir apir! kakaaliw talaga pag ang rpg

@jhengpot
yun nga lang merong gender discrimination ang mmorpg. marami kasi ang nagpapanggap na babae kaya ung mga tunay na babae tuloy ay napagkakamalang lalake. speaking of which, nakalimutan ko mention sa post ko ang chixilog wahihihi.

Nimmy said...

hehehe. eh Rose Online??? :)

Lhuloy said...

jajaja..at ayan n nga ang epekto ng online gming..jejeje...gusto ko dn nyan pero ayokong maadik so umiiwas tlaga ko...jejeje....ngddota ka din noh....

musingan said...

I like playing OL games.. very addik ako.. kaso sa mga Farm Ville lang... ehehehehhe.. Mafia wars at kung ano ano pa,,,, eheheheheh

Kraehe said...

@Lhuloy
yeah, nagdota ako dati. pero di ako ganun kaadik sa dota. kinaadikan namin sa ofis dati ay counterstrike and starcraft wahihihi.

@musingan
browsergames tawag don, yeah..adik din ako sa browser games. pero hindi ung fb games.

Akoni said...

ako ang taong walang kaalam alam sa mga online games..hahaha..napaka-old school ko, jurassic era kumabaga..haha

Nishiboy said...

At siyempre naunahan mo akong mag-post ng tungkol sa online gaming. Haha. Miss ko na tuloy si Gushia. =D

Kraehe said...

@Akoni
salamat sa pagdalaw, mas okay nga yan di mo na balaking pagdiskitahan. addictive talaga hihi.

@Nishi
magpost ka na rin dali dali!

Leonrap said...

ikaw ata si chiksilog?... hehehe.....


di ako makarelate dahil never akong naglaro ng OL games.. hindi kasi ako gamer... at ang gastos nya.... wala talaga akong hilig sa mga ganyan, kasi nga di ako gamer... hahaha paulit-ulit nlng.. di ako gamer... lol

Kamila said...

ako nga kailan ko lang dnownload ang ragna.. pero uninstall ko ulit ngayon kase hindi ko naman nilalaro talaga.. ewan ko.. hindi ko lang talaga type.. shet dagdag girl point na naman yun ah.. paniniwala ko kase boyish ako.. pero dahil wala akong instinct sa paglalaro ng online games.. hmmm.. girlaloo nga me! hahahahah :)

Kraehe said...

@Leonrap
wakekeke di po ako chixilog XD tama ka, magastos talaga. salamat sa pagdaan

@Kamila
hahaha. hilig hilig lang naman yan. merong ako friend na super kikay pero kita mo alas dos na natutulog kakalaro. at wag ka, minsan di na natutulog...dire-diretso

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment