War of Our Fathers



dahil sa wala po akong camera, nanghiram na lang po ako ng pic kay Joy

Kagabi napadaan ako, kasama ang mga kaibigan ko, kasamahan sa trabaho at dating kasamahan sa trabaho sa SM para mamili ng maiinom dahil napagdiskitahan naming mag get-together. Saling-pusa lang ako as usual.

Nung napadaan kami sa activity center, may mga chair na naka-ayos, at merong stage. Sabi ko sarili ko, malamang merong event na magaganap later. Nung nasa bungad na kami ng bridge me isang mahabang table na puro pagkain. Nagutom ako XD mukhang engrande ang okasyon na gaganapin. Naglakad lakad pa kami ng konti, sa bandang gitna ng bridge maraming stand na merong pictures na black and white. Ang liit lang kaya ng bridge, bakit naman kasi dito pa sila pumwesto?

Syempre nakikitingin din ako sa pictures. May picture ng mga patay na tao, may picture ng babae na dala dala ang gamit na binalot sa kumot. May picture din ni McArthur na pag nakita ko yun naaalala ko agad ang famous line nya na "I shall return". May picture ng mga sundalo, mga sumabog na bahay at iba pa. Isa lang ang common denonimator sa lahat ng pictures, picture yun lahat ng gyera. World War II to be exact.

Ang okasyon pala ay para sa mga sundalo nung panahon ng gyera. Natouch naman ako nung tinitingnan ko ang mga photos, napaisip ako...sobrang hirap pala ang dinaanan nila dati. Andon ang mga beterano na suot nila ng veteran suit nila (hindi ko talaga alam kung ano ang tawag don). Meron nang mga lola at lolo na uugod ugod. Merong iba nagkukwentuhan habang tinuturo ang mga pictures, reminiscing.

Naalala ko tuloy ang kwento ng Auntie ko, kapatid ni Papa, tungkol kina Lolo at Lola. Noong araw daw tinatago ng mga kalalakihan ang lahat ng babae sa talahiban pag may dumating ng hapon. Meron silang taguan sa ilalim ng lupa. Don ko naintindihan ang famous phrase nila na "dapa, may hapon!". Yung mga kasama daw ni Lolo may dala dalang baril, ang dala daw ni Lolo ay gitara dahil haharanahin nya si Lola. Nakakaloka, may gyera na nga eh.

Kung tutuusin, ang swerte ko dahil hindi ako pinanganak sa mga panahong yun. Pero kung hindi dahil sa kanila, ating mga magigiting na mandirigma, malamang nasa gyera pa rin itong kasalukuyan. Kaya nagpapasalamat ako sa mga lolo't lola, sa mga sundalo na binuwis ang kanilang buhay para sa kalayaan.

10 nagsalita

10 nagsalita:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

sang sm to?

ISTAMBAY said...

napapanahon ang event na yan.. dahil sa issue ngayon ng kurakutan sa hanay ng AFP.. sana makonsensya na at lumabas na ang katotohanan.. sa tingin ko, ang mga pitures na nakita mo sa SM (saang SM nga ba) ay riyalidad na nangyayari sa ating mga sundalo ngayon.. nakikipaglaban para sa katarungan, katarungan para sa bulok na sistemang kinukurakot ng mga superior nila :)

Kraehe said...

@AXL and ISTAMBAY
Yung event sa SM Sucat kagabi, pero yang nahiram ko pic ay dati pa. Yun nga ang nakakalungkot, wala namang gyera, sangkatutak naman ang kurakot.

nyabach0i said...

sabi na sa sm sucat to. taga south ka pala ha. taga paranaque ako. hehe.

Kamila said...

huyyyyy elow kraehe... hindi ako napapadaan sa blog mo.. kase di ko maintindihan bakit ayaw i-add nung blog roll ko yung site mo.. pero susubukan ko pa din i-add

anyway.. hindi ko din masyado naapreciate yung mga patungkol sa world war II.. at nagpapasalamat din ako na hindi nga tayo pinanganak sa panahon na yun.. nakakatawa naman lolo mo.. ahahaha

ay bago ko pa makalimutan,..may special award ka sa blog ko dahil sa pagsali mo sa kunya-kunyarian kong patimpalak

tingnan mo na lang DITOOOOO

Lhuloy said...

wow ganun pla un...nd infareness ang sweeet ng lolo mu ahhh...ang haba ng hair ng lola mu..sakop ang buong talahiban...jeje...

Congratulations din pla sayo! naks naman ang husay!

nOx said...

tama si istambay. isang kalapastanganan ang mga ginagawa ng mga heneral na yan sa alaala ng mga namayapang sundalo.

uno said...

GOOD MESSAGE! A WAKE UP CALL INDEED

joy said...

hi kraehe, sure okay lang na hiramin mo yung picture sana nilagay mo pa yung iba pang pictures. maganda kasi yung exhibit at sana marami ang maenganyong puntahan yung exhibit para mas pahalagahan nila yung mga ginawa nung mga beterano nung WWII.

Kraehe said...

ayy ang dami na palang nagcomment, walang net kagabi ahahaha di nakapag blog.

@nyabach0i
wahahaha apir! oi taga paraƱaque din ako XD

@Kamila
minsan me topak lang talaga ng blogger, baka yan ung nangyari sakin dati na walang lumalabas na profile info ko pag nag-follow ako. ganun din ba ang nangyari?

Salamat nga pala sa award weeee! iba-blog ko mamaya.

@Lhuloy
yeah, haba ng hair ng lola ko hahaha. kaloka yun si lolo, epic fail hahaha!

@nox and Joy
salamat po sa pagbisita sa aking munting kaharian. uu, sana marami ang ma-enganyo na dumalo sa exhibit na ito. para naman malaman nila kung ano ang buhay noon na pinaghirapan nilang pinaglaban, tapos ganito lang pala ang mangyayari ngayun.

@uno
salamat sa laging pagbisita ^____^

Post a Comment