To Be or Not To Be?


Now that is the question.

Karamihan naman sa atin ay hindi mahilig sa classical music. Siguro sa tingin ko lang, pero yun ang observation ko. Minsan lang kasi natin naririnig ang classical music sa radyo at telebisyon. Wala sya sa nasa trend ika nga. Nung kapanahunan pa ni lolo sa tuhod to the nth level uso ito, dahil ito ang IN dati, pero OUT na ngayun.

Ang haba ng intro ko, may gusto lang naman akong ipakilala ahihi. Wag na tayong magpaligoy ligoy pa. Ito na. Si YANNI. Isa syang pyanista at composer. Idol ko sya hihi. Kasi, una, after nya mag-graduate ng college tinuruan nya sarili nya tumugtog ng piano (ang galing kaya nun). Hindi lang sya naging magaling, naging world class pa. Pangalawa, magaganda ang compositions nya, at least for me, na-appreciate ko. Pangatlo, sekwet XD.

Marami ang hindi nakakakilala sa kanya, kasi nga ang genre ng music nya ay hindi IN sa panahon ngayun. Kaya naman pinili kong mabuti ang mga videos na inilagay ko sa post na ito. Para hindi naman ma-bore ang mga bisita. Pero kung ayaw nyo pa rin, wala na ko magagawa.

First stop, Nostalgia. Ito ang unang piece na narinig ko sa kanya. My all-time favorite. Wish ko lang ako yung lady in red na nag violin solo sa middle part ng song. Ambisyosa hahaha.



Next, Rainmaker. Tinawag itong new age classical, kasi nasa gitna sya ng classical at ng new age music. Upbeat sound pero gamit pa rin ang orchestra, san ka pa? Isa pa sa mga gusto ko sa music ni Yanni. Nag-eenjoy ang mga musicians sa ginagawa nila. Spread the love!


Ayan, dalawa lang kasi magiging mahaba na. Kung nag-enjoy kayo, kayo na bahala magsearch sa youtube ng iba nyang piece. Spread the music, spread the love! ^___^

9 nagsalita

9 nagsalita:

ISTAMBAY said...

sayang. hindi ko maview ang bidyo.. para may idea ako sino si YANNI.. sa ngayon hindi ko sya kilala hehehe..:) di bale.. mamaya sa bahay.. watch ko to..

gandan araw :)

Kraehe said...

@ISTAMBAY
ahihihi sabi na, magcocomment ka na di mo maview ang video :P sa bahay mo na lang panoorin. sensya na, mahilig ako sa video XD

Kamila said...

nice yung pangalawa... hmmmm... dati may organ kame..at natuto ako konti..pero ang konti lang talaga..weeeh. mahilig din ako medjjo sa classic..siguro yung mga inaakala kong classic eh hindi naman talaga..medjo modern na..pero feeling ko classic pa din..hehhee

Nishiboy said...
This comment has been removed by the author.
Nishiboy said...

ay ano ba yun na delete. haha. teka ulitin ko.

yanni aria acropolis

Lhuloy said...

kaasar! naka-block! huhuhuh,,,gusto ko syang pnuorin..
sa com.shop na lng...basta...jeje...

Kraehe said...

@Kamila
thank you sa pagbisita, yeah new age classic yang pangalawa. hindi sa middle sya ng classic at modern music

@Nishi
yeah yeah :P fav ko rin yun

@Lhuloy
ahihihi sensya na vid kasi ulit ahihihi.

Katherine said...

Habang nagloload ang mga video, magcocomment na ko. Familiar ako kung sino si Yanni, pero di pa nakakarinig ng compositions nya (so salamat sa pagshare hehe). Mahilig ako sa piano music, lalong lalo na ang New Age genre. Favorite ko si Yiruma. Korean siya. Super nakakaantig ang music nya. Simple lang, pero tagos sa puso. :) Gusto ko rin sina Jim Chappell and Angelo Ortiz (Pinoy sya yeah! Nanalo sa World Championships of the Performing Arts nung 2005 or 2006 ata). :D

Kraehe said...

@Katherine
thanks sa pagbisita, di familiar sakin ang mga nabanggit mo pero try ko search sa youtube. salamat sa pagdaan ^_^

Post a Comment