Monday Blues



photo by Google

Ito ba ay pamagat ng isang kanta, o baka naman isang tula? O isang artikulo sa dyaryo? Sa kasamaang pala, hindi. Ito ay isang sakit na dumadapo tuwing lunes lamang. Ito ay walang pinipiling biktima, bata, matanda, may ngipin o wala. Ngunit ang karaniwan ay mga trabahador, estudyante at ako.

Help me Lord, its monday. Lol. Bakit nga ba sa tuwing lunes ay nakakatamad bumangon, maligo, magluto ng agahan at pumuntang opisina? Pagdating sa opisina ay nagliliwaliw pa ang isip. 50% ng utak ko ay gustong magtrabaho, ang 10% ay blanko, ang 15% ay gusto lang magbrowse, ang 10% ay inaantok at ang 5% ay gusto nang umuwi. Yung remaining 10% ay gustong magbasa ng blog hahaha.

Lemme explain.

50% ng utak ko ay gustong magtrabaho dahil gusto kong matapos na ang walang katapusang project na nauumay na ko sa hitsura. Gusto ko ng bago, ayoko ng paulit ulit lol.

10% ng utak ko ay blanko dahil, hindi ko alam, blanko nga eh.

15% ng utak ko ay gusto lang magbrowse kasi, new episode ngayun ng One Piece ahihihi. New episode din ng Fairy Tail manga wakokok. At higit sa lahat, wala akong drive magtrabaho haayz.

10% ng sarili ko ay inaantok dahil, hindi ko alam. Natulog naman ako sa tamang oras kagabi. Pag monday talaga inaantok ako.

5% ng sarili ko ay gusto na umuwi dahil, meron akong nabiling novel kahapon Booksale worth PHP35 na gusto ko na tapusin. Sigunda mano na libro lang ang kaya ng powers ko, kaya naman Booksale ang favorite kong bilihan ng book, ang National Bookstore ay ang aking silid aklatan hahaha...shhhh...

10% ng utak ko ay gusto lang magbasa ng blog. Dahil sa tinatamad akong magtrabaho, ito lang ang tangi kong libangan at pampalipas oras na rin. Kaso di ko magawa ng todo dahil merong hawk's eye na umaaligid XD

Ayan, 100% total. Grabeh na ito. Wala akong pandepensa sa sakit na ito. Mahina ang aking immune system at di ko sya kayang labanan.

HELF!

7 nagsalita

7 nagsalita:

ISTAMBAY said...

ay nakakatamad talaga ang lunes. isipin na lang ang isang linggong trabaho ahahaha.. pero babawi naman pag friday na eh hehehe.. diba? apir.. at akoy inaantok din kahit na pressure na masyado sa monthend reporting.. :(

Lhuloy said...

oh may momay! tama ka nkakatamad nga minsan and lunes..jeje
at it was amazing that u were still able to organize by percentage those errands u have..jeje...(^^,)

EMOTERA said...

Haay.. may hangover pa kasi sa weekend kaya pag Lunes nakakatamad. hahaha~! :) nice post. gusto ko yung pic na si Garfield. :)

Kraehe said...

@EMOTERA
me tama ka! hang-over tlaga sa weekend kaya naman nakakatamad ang monday

@ISTAMBAY AND Lhuloy
tara na't matulog hahaha, lunes naman eh ahihihi.

uno said...

pareho kayo ng isa kong friend adik sa fairy tail hahaha

jasonhamster said...

grabe lang no pag lunes para sa ting mga tumatrabaho na... sarap matulog ng linggo (kahit me pasok din ako ng lingg)

yun lang kelangan magbaon ng isang pitsel na kape/ginseng.

haha!!


kalbaryo din pala ang martes dito, dami trabaho! wahhhh

Kraehe said...

@uno
cute kaya, try mo basahin, kung mahilig ka sa manga ha.

@jasonhamster
salamat po sa pagdaan, grabe wala ka bang pahinga? pati linggo may trabaho? pano na lang ang social life mo? wakekeke.

Post a Comment