HHWW With Pa-sway Sway Pa



Dahil Pebrero na at malapit na ang araw ng mga puso, pag-usapan natin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Pag-usapan natin ang tungkol sa paghahawak ng kamay at ang aking personal na opinyon hango dito. Saglit, masyado nang malalim...(nosebleed).

Taglish na lang natin para di ako mahirapan.

Anyway, nung bata pa ako (as in nag-aaral pa ako sa Kindergarten) nangkaron ako ng kaibigan. Naging mag-bestfriend kami hanggang ngayun. Di na nga lang kami madalas magkita simula nung lumipad ako papuntang Manila at dito na nag-aral ng kolehiyo. Nagkukumustahan na lang sa sulat.

Itong bestfriend ko na to ay isang babae, wag madumi ang isip. Napaisip kasi ako, kasi nung high school days, meron kaming teacher na tinanong kami kung sino sa aming dalawa. Kami ay inosente at walang muwang kaya di namin alam kung ano ang ibig sabihin nun. Yun pala, tinatanong nya kung sino sa aming dalawa ang bading, dahil lagi kaming nakaholding hands. Aba malay! Natural lang naman sa mga babae ang mag holding hands. Di ba girls, tama ako? Itong teacher ko na to masyadong malisyoso. Pero napaisip ulit ako, siguro sa level of intimacy yun. Kasi di ko magawang makipag-holding hands sa mga kapatid kong babae, parang ang cheesy kasi, pero pagdating sa kanya natural lang.

Nung una kaming nag-meet ng boyfriend ko, feeling ko di ko kayang tumayo at maglakad lakad on my own. Yung feeling na nasa isang party ka, magkakakilala silang lahat at ikaw lang ang alien sa lugar na yun.Yung kailangan mo ng isang tao na mag-aassure sayo na okay lang dahil kasama mo ako. Yung assurance na yun nararamdaman ko sa paghawak sa braso nya, o sa kamay. Shy type sya, di sya masyadong ma-PDA

Pero nung tumagal, naging comfortable na kami sa isa't isa. Sya na ang unang humahawak sa kamay ko. Hinahalikan nya pa minsan (ang sweet...kinikilig ako XD), feeling ko talaga isa akong prinsesa. Minsan automatic, pag naglalakad sa kalye o kahit nakaupo lang, magkakahawak kamay.

Ano bang meron sa kamay at gustong gusto mo itong hawakan? Sa tingin ko, ang paghahawak ng kamay ay isa sa mga paraan para maipahiwatig ng nararamdaman. Kumbaga, body language para maipadama mo ang iyong pagtitiwala at pagmamahal.

11 nagsalita

11 nagsalita:

Nishiboy said...

Di ko din alam kung bakit. Basta masarap lang. Lalo pag in public, for me. Nakakakaba kasi di naman sanay ang mga tao na makakita ng dalawang lalakeng magkahawak kamay. Hihigpitan ko na lang hawak ko tapos diretso lakad lang.

Kraehe said...

@Nishi
Hey look http://wakeuptiger.blogspot.com/2009/09/things-that-matter.html. Wag ka mag-demo ah dahil di pa ako nakakita ng ganyan ever!

Leonrap said...

uyyyyyy... ahahaha

nung kami pa ni ex, HHWW din kami dati.. pero nung hindi na kami, pag may nakikitang akong naka holding hands, nakakadiring tignan pla! ahahaha... bitter? ahahah

Katherine said...

Swak pala sa entry mo ang latest entry ko http://littlepieces2009.blogspot.com/2011/02/valentines-series-hands.html. :)

Anyway, agree ako sa analysis mo tungkol sa paghoholding hands. Sign din sya ng pagpunta ng isang relasyon sa ibang level. :)

Kraehe said...

@leonrap
hahaha bitter :P pero pag nagkaron ka naman ulit ng gf, ganun pa rin naman gagawin nyo. at di mo rin yun mamalayan na magkahawak kamay na pala kayo.

@Katherine
galing talaga ng poems mo. bow ako.

ISTAMBAY said...

Marami ibig ipakahulugan ang paghawak sa kamay. may bilang pakikiramay, may bilang pagnanasa, may bilang pagmamahal, may wala lang.. may trip lang. Madami eh, hindi lang un.. tama ka, para mai express ang feeling na hindi masabi.

Sa taong inlove, nakow, napakasweet.. sa case ng babae then hold mo ung hand ng friend mo na girl in public, tapos pa sway sway pa, ok lang un.. hindi masakit tingnan.. imaginin mo na lang kung parehong lalake magkaholding hands na naglalakad.. ewwww....

Kraehe said...

@ISTAMBAY
Yeah, madami ang kahulugan ng paghawak ng kamay. Di ko na lang na-enumerate lahat. Sa madaling sabi na sinabi mo na XD para mai-express ang nararamdaman na hindi kayang tapatan ng mga salita.

@all
Pano ba palitan ang timezone dito sa blogger? North pole ata ang naka-set sakin, ahead lagi ng 6hrs ang oras posts ko lol.

Sayaka Magcauaus said...

Natatawa ako sa intro mo, alam mo kase ganyan din ang feeling ko kapag nabo blog ako, kapag nag-english ka at mali ang grammar, katakot takot na pintas ang aabutin mo, pati kaluluwa mo inalimura na, kapag tagalog naman sasabihin jologs ka...

mabalik tayo sa holding hands, siguraduhin mo lang na naghugas kayo ng kamay...para alang germs, kung meron man dapat yung germs of love. baduy heheheh.

Kraehe said...

@Sayaka
Yun nga eh, di ako confident sa pure english or pure tagalog. Kahit meron akong posts na pure english, simple at maiksi lang hihi.

Okay ang germs of love at love bug paghaluin ahihihi. Baka langgamin na tayo XD

jhengpot said...

paghinahawan ako sa kamay, feeling ko safe ako...no one will harm... hehehe... nakakakilig paghinahalikan ka sa kamay, and it signifies man's respect to you as a woman... :)

padaan lang..hehehe...

Kraehe said...

@jhengpot
salamat sa pagdaan. agree ako sa sinabi mo kaya naman kilig to the bones wahihihi.

Post a Comment