Todos 2011


Sige na nga, dahil new year ngayun makikiuso na rin ako ng new years resolution. Pero bago yan, ano ba ang meaning ng resolution.

Sabi ni google ang meaning daw ng resolution ay:
the number of pixels per square inch on a computer-generated display; the greater the resolution, the better the picture

 wait..mali yan, ito pala:
A course of action determined or decided on.

Kaso nga lang, karamihan naman sa resolutions na set ko ay di naman nasusunod. Lagi palpak. Kaya ngayun magpapauso ako ng todos. Sa pagkakaintindi ko sa todos ay pwede mo gawin, pwede rin hindi..safe hahaha! Kaya ito ang aking 2011 todos.

  1. Wag hayaan maging dead site na naman ang blog. Baka matulad na naman dati na naging dead site ito for 2 years wakokok.
  2. Karerin ang freelance jobs. Para di na ulit mamroblema during rainy seasons.
  3. Makihalubilo naman sa mga tao. Wag karerin ang pagiging loner.
  4. Keep a healthy diet.
  5. Always thank God for everything
  6. Please wag naman iwanan si Alma sa ire. Practice every night kahit 15mins lang.
  7. Wag palagi nagagalit kay Lord.
  8. Wag masyadong abusuhin ang mata
  9. Magdamit babae ka naman paminsan minsan.
  10. Lastly, always remind your one true love how much you love him.

Ayan na lahat, medyo madali lang, pag mahirap kasi baka di ko rin naman magawa. Makikiuso na rin kayo ng todo list.

Alright for the adorable animals, from: http://www.eveshamfarm.com/chickens.html

(no worries honey, i got yur back)

3 nagsalita

3 nagsalita:

Geneve said...

Ako din ako din gusto ko nyan! Gusto ko din ilagay sa todo ko ang #1,#4, #7, at #8! Sana magawa ko ang #8! Ahahaha

Happy New Year po! :D

Kraehe said...

hahaha ilista na! happy new year! ^_^

chamiechamz said...

haha ako rin. Try ko ang #9. hahaha

Post a Comment