The Kraehe Me


Wala magawa kanina kaya naghanap ako ng pictures or icon ni Kraehe para gawing avatar ko (kraehe is an anime character). Wala akong makitang nagustuhan ko, walang nakangiti man lang. Di naman ako marunong magdrawing kaya asa na lang ako sa google. Bakit nga ba walang nakangiting drawing si Kraehe? Bago ko sagutin yan, panoorin nyo muna to. (courtesy of youtube)



Hindi po ako ang gumawa ng amv na yan ha. Dikwat lang ulit. Anyway, balik tayo sa topic, kaya walang nakangiting picture si Kraehe dahil sya ay isang kontrabida (sya yung nakasuot ng black tutu). Sa totoo lang, wala pa akong nakitang kontrabida na nakangiti na pure na ngiti. Kadalasan smirk, evil smile o kaya sad face. Kaya siguro.

Di naman sa kontrabida ako sa buhay, bait ko nga eh. Masyado lang talaga akong naaliw sa role nya. In fact, masyado akong naaliw sa anime na to kaya sumulat ako last last week ng article, The Raven and The Swan. Spoiler lang yun sa mga hindi mahilig sa anime or sa mga hindi pa nakapanood.

Sya yung type na hindi sumusuko pagdating sa pag-ibig. Kahit buhay pa nya ang nakataya. Don siguro ako na-attract. In the end, sya pa rin naman ang pinili ng prinsipe dahil sya ang gumising sa natutulog nitong damdamin.

Tungkol nga pala sa anime, di ito yung sailormoon type. Pasintabi po sa mga sailormoon fans, pero di ko talaga yun type. Di ko alam kung bakit. Maganda sya dahil every episode merong fairy tale twist, like story ni Cinderella and Sleeping Beauty na nilagyan ng konting twist. Ang ibang conversations portrayed by ballet and medyo magulo sya at first kasi halo-halo ang kwento. Pero maganda ang kwento.

0 nagsalita

0 nagsalita:

Post a Comment