Epic Fail 2



Upgraded laptop [link]

I just love epic failure photos, it makes my day hihi. Kaya ang topic natin for today is another epic fail. Actually kagagawan ko ito, kaya di talaga sya matatawag na ganun kasi sinadya ko talaga.

Namention ko sa previous post ko na nag-gogrocery ako ng necessities every weekend. Di na lang ako magmention ng name dito kasi baka isang araw may kakatok na lang sa bahay at abutan ako ng warrant of arrest lol. So yun nga sa grocery ang topic. Di ko alam kung pano ang calculations nila sa presyo, napapansin ko lang na yung ibang presyo butal. Like .20c, or .35c, bakit di na lang saktuhin na .25c or .50c? Sabagay wala namang problema sakin yun basta reasonable and affordable lang ang price wala na ako don.

Napansin ko lang kasi, siguro common sa lahat ng grocery store, mahilig sila manukli ng tig 10 at 5 cents. Kumusta naman, san mo naman yun gagamitin? Dyahe naman ipambayad mo yun pambiling kendi or ipamasahe di ba? Dahil ako naman ay isang masinop na tao, inipon ko ang mga pinagsusukli nila sakin. Until nakaipon ako ng 14php na tig 5 and 10 cents. 90 pieces of 10 cents and 100 pieces of 5 cents, oh di ba ang dami?

Ayun, dinala ko na ang sobrang daming barya, diretso sa store, dampot ng junk food na worth 14php din. Dinala sa counter at ibinayad ang napakaraming barya hahaha! Priceless ang reaction ni ate, pailing-iling sya habang nagbibilang. Nag-explain naman ako, "yan po yung sinukli nyo sakin dati, inipon ko lang". Kaya yun hanggang sa bahay natatawa pa rin ako sa sarili ko.

Syanga pala, sa lahat ng makakabasa, kung gusto nyo man itong gayahin XD ito muna basahin nyo (hahaha mag-promote daw ba). Legal Tender by Tito Boy, tungkol yan sa dami ng pera na pwede ipambayad sa pampublikong serbisyo.

9 nagsalita

9 nagsalita:

Lakwatsero Ako said...

adik ka, adik!

avatarlady said...

what is the world is going on here??

Kraehe said...

@lakwatsero
hahaha yeah, isa akong adik @_@

Leonrap said...

ahaha... naimagine ko itsura nung cashier... ahaha
sana nilagyan mo ng tape kung tig-5 pesos na ung 25c mo.. para mabilis bilangin...

pero natuwa ako. pinambabayad ni mama sa meralco ung mga cents na yan. hehe

Harman said...

nice post..
Please visit my blog.

Lyrics Mantra
Real Ghost and Paranormal

delightfullness said...

pagpilitan daw ba ang apple sa laptop..???
bwahahahaha

nyabach0i said...

hahahahahahaha. bentang benta ang pic!

uno said...

hahaha sana bumili ka n lng ng sticker ng apple para mas maganda hahaha adik ka...

hagalpak ako ng tawa d2 hahaha

Kraehe said...

thanks sa mga comments. pati nga ako natawa sa laptop lolz

Post a Comment