Archived Archives


I was reading my previous blogs before, all inactive and realized I was a better writer way back lol. Yun nga lang walang katuturan ang mga pinagsusulat ko, walang direksyon kumbaga. Sobrang random, naloka ako. Nice din pala mag-backread, malalaman mo kung gaano ka ka-childish dati hahaha.

Anyway, I also found some nice things na gusto ko irepost. Kaya magiging mahabang post to.

First stop : Web Award 2005

[link]

Sept 14, 2005 post, na-archive ko pala ito. Napanalunan namin nung dati, tagal na noh? Hanapin nyo na lang dyan sa Team ang pangalan ko hahaha. My blog is now officially traceable lol. Hindi ko pinagkakalat tong blog ko sa mga friends ko (as if naman marami XD), konti lang ang nakakaalam. At ang nakakaalam lang na kilala ko IRL, my siblings, my one-and-only, and Nishiboy (lol promote daw ba). Promoter kasi sya ng blog at nanghingi ako ng konting espasyo sa blogroll nya.


Next : Don Sa May Geffen

A short Ragnarok Online Fanfic, inspired by Arjay the author of Ang Alamat ni Pritong Kandule. A little background of Arjay's fic, its the most famous fanfic in the history of ragnaboards or I may say history of RO Fanfic writing in the Philippines. Marami ang na-inspire sa sinulat nya (isa na ako don) kaya dumami ang fanfic writers ng Ragnarok Phil. Sad to say, yung mga ibang ragnarok players hindi sya kilala dahil puro laro lang ang inatupag lol. Neway, masyado nang mahaba ang intro, simulan na natin ang aking fanfic.

Don Sa May Geffen
Don sa may Geffen ako'y napadaan
Isang uhuging nobays aking namataan
Palingon lingon sa kapaligiran
Hawak ang mapurol nyang punyal

Isang kawawang poring kanyang nilapitan
At pinagtataga ito ng walang alinlangan
miss...tsak tsak..ouch..tsak..miss..stak stak..PLOKKK..
Hanggang nagmistulang Jelly Ace ang kanyang kalaban

Aha!! ito'y magiging isang magaling na mandirigma
Sa lakas at tapang, kanyang kapalaran walang duda
Ako ay napangiti sa pinakita ng uhuging nobays
Don sa misteryosong lugar ng Geffen

Di sinasadyang may napadaang swordie
Isang mukang di mapagkatiwalaang swordie
Lumapit sa uhuging nobays na busy sa kanyang ginagawa
At walang awang sinawsawan ang ating kawawang bida

POTA KA!! SAWSAW AMP!! sigaw ng uhuging nobays
Asa ka pa tol! palakas ka muna, sagot naman ng swordie
AMP KA, MAHIYA KA NMAN SAWSAW SA NOBIS, HINA MO PRE!!
AMP, SINONG MAHINA?!? PBP NA LANG...ASA KA PA!!

AT NAGHAMON KA PA, SA ISANG NOBIS PA...AMP HINA MO!!, galit na ang ating bidang nobays
Sige kung pvp gusto mo, lalabanan kita ng aking mahikero, ang mahinahon na nyang sabi...
NYAHAHAHA!! KAHIT ANO PA JOB ILALABAN MO SAKIN, MAHINA KA PA RIN...B0B0!!, ang sabi ng tarantadong swordie
Sige maghintay ka dito, mahinang nilalang, at nakangiti pang sabi ng uhuging nobays

Isang mahiwagang ilaw ang bumalot sa ating uhuging nobays
At wala pang dalawang segundo nawala ang ating bida
Samantalang sa ilalim ng puno, nakaupo si maangas na swordie
B0B0 AMP...AKO PA HAHAMONIN..SARAP HIGA NON SA PBP BWAHAHAHA, at napatawa pa ang maangas na swordie

At di nagtagal, may lumapit na uhuging mahikero sa maangas na swordie
ANO TARA!! B0B0 KA NAMAN EH..LALABAN KA SA ISANG MAHIKERO
Ikaw na ba yan?!? hahaha...ipapakita ko sau ang lakas ko, sabay tawa ulit ng maangas na swordie
TARA NA!! SINASAYANG MO ORAS KO!!, galit na sigaw ng mahikero
At tumayo na ang maangas na swordie

At doon sa may pvp room, nagkakagulo ang mga tao
PATAYIN ANG KANILANG PARI!! sigaw ng isang babaeng pari
DOBOL STRAFE!!!, sigaw ng isang hunter na wala sa sarili
PAULANAN MO SILA NG PANA..B0B0!!, sigaw ng isang knight na duguan at nalason pa (di nya alam mas b0b0 sya, iisang pana lang dala ng hunter).

Kumaripas ng takbo ang ating uhuging mahikero
Na muntikan ng matamaan ng nagyeyelong unos
Don tau sa malayo!!, sigaw ng maangas na swordie
Na mas nauna pa sa kanya

At ng nakalayo na ang ating dalawang pirs jab
O ANO GAME NA!!, sabi ni uhuging mahikero sabay kumpas ng kanya mahiwagang patpat
SIGE!! ASA KA PA!!, sagot naman ng maangas na swordie na hawak ang kanyang espada.

Walang sabi sabing nilapitan ni swordie si mahikero..at...
BASH !! Miss..Ekkk..miss ung bash ko?? Isa pa...
BASH !! at natamaan na ang uhuging mahikero
BWAHAHAHA...teyst my blayd (na nakuha nya sa kung saang movie), ang mayabang na sabi ni swordie

Natakot si uhuging mahikero, dahil kalahati na lang ang buhay nya
Tumakbo sya palayo na sinusundan pa sya ni maangas na swordie
Nang nakalayo sya ng konti, huminto syang bigla at...
FIREWALL !! (na-level5 pa lang)
AMP DUWAG...AT NAG-FIREWALL KA PA, galit na sigaw ni swordie na hinubad ang nagliliyab nya damit
"Di lang yan!! Pagsisisihan mo paghamon sakin", ang sagot ngayun ng uhuging mahikero
Muling kinumpas ng uhuging mahikero ang kanyang mahiwagang patpat..at...
FROST DIBER !!! , at nabalutan ng matitigas na yelo ang maangas na swordie

AMP...AMP...sigaw ni swordie na di makikilos
BWAHAHAHAHAHA, ang malakas na tawa ng uhuging mahikero
At kinumpas pa ulit ni mahikero ang kanyang patpat...at...
THUNDER BOLT !!! at nangingisay na ang maangas na swordie
NGAYUN MATITIKMAN MO ANG SEKRET SKILL KO!!
Kumumpas ulit si mahikero, pero ito ay mabilis na kumpas..at...
FIREBOLT !! (na level1 lang)

WAAHHHTTTT /omg , na nagimbal na expresyon sa mukha ni swordie
"Level1 na firebolt?!!" /sob na napaiyak na lang na si swordie habang nakahiga sa pbp room
BWAHAHAHAHA, ang malakas na tawa ng uhuging mahikero
ANO SINONG ASA NGAUN SATIN?!? MASAKIT BA ANG LEBEL1 FIREBOLT?!?! 

BWAHAHAHAHA...WLANG KWENTA KA PLA, SINASAYANG MO LANG ORAS KO...
MAHINA NA...B0B0 PA..ASA KA PA TOL..PALAKAS KA MUNA...
At umalis na ang uhuging mahikero, dahil sa nasasayang daw ang oras nya

Don sa may bandang Geffen ako'y napadaan
Isang dugyot na nobays aking namataan
Palingon lingon na tila me hinahanap
Ako ay napangiti na lamang sa aking nakita

Note: Edited yan, kasi parang txt sa cellphone yung original lol.

8 nagsalita

8 nagsalita:

ayeesha MD said...

i like the new header. nice! and gratz sa award kahit 5 years ago pa un.

Kraehe said...

thanksie ayeesha ^_^

Leonrap said...

oo tama, masarap mag backread... di mo alam, may ginawa ka palng weird at di mo alam na nagawa mo talaga un minsan.. saka mo nlng marerealized kung nabasa mo post mo dati... masarap tlga balikan ang nakaraan.. hehe

uno said...

backread.. wow... so nice malaman na active na active till now ang mundo mo...

nyabach0i said...

hehe hongkyut ng poem/creative writing something mo. hehe. naiimagine ko ang mundo ng ragnarok sa utak ko. :) very nice.

Kraehe said...

@all
yeah, masarap backread ang mga kalokohan mong ginawa dati hahaha.

@nyabach0i
parang ganun ahihi. fanfic yan. inspiration ko yung fanfiction na namention ko above. maraming mura kasi, marami din don sa fanfic na yun lol

Nishiboy said...

lagyan mo ng link yung special mention mo sakin. wahahaha. seryoso.

uuuuuuuy. hindi ko mahanap yung the endless na forum. lol. gusto ko gumawa ng entry tungkol dun. =D

Kraehe said...

Nilagyan ko na ng link.

Di ko na rin mahanap ang The Endless forums. Pano ba naman kasi, iba na ang server names ng tantra. Ala na ang Diyana section.

Post a Comment