Year-end post


Yes! Sa wakas matatapos na rin ang 2010. Yup, I can say that 2010 is a dreaded year. Sobrang daming nangyari na di maganda and I'm thankful na matatapos na rin sya sa wakas. And hoping this 2011 would be a good year for everyone.

My year-end post yey! Need to do this short and quick kasi mamamalengke pa and magluluto pa para sa pagsalubong ng 2011. Gotta play my violin pagdating ng ng 12:01. Gotta do it loud wooohooooo!

Anyway, dahil sa last post ko ay merong pusa, I think I'll feature adorable or funny animal every post hihi. Dikwat from google. Oh please don't kill me. Okay, here goes animal of the day. From http://funny--dog--picture.blogspot.com.



(sorry mom, the cat made me do it)

1 nagsalita

My Cute Little Kitty



watcha lookin at? (dinikwat ko lang po sya sa google)

My cute little kitty
Is so very cute
So furry and cuddly
My cute little kitty

Joke lang hihi. Wala lang maisaip, kung bakit kasi ang cute ng mga pusa. Meron kami dito sa bahay lagi nahaharas. Kasi kaming magkakapatid ay nawiwili talaga sa pusa. At ang pusang ito ay ang aming unica pusa kaya sya lagi ang napagtitripan hihi.

Nakakawili din pala ang twitter, kakagawa ko lang ulit ng account. Dati kasi parang ewan, di ko maintindihan. May timeline pang nalalaman na naguguluhan ako. Buti na lang parang fb status na sya. Medyo na-appreciate ko na sya kaya gumawa ulit ako ng account hihi.

Yun nga lang, isa pa lang follower ko hahaha. Kapatid ko pa lang. Sabagay, kakastart pa lang naman. Follow ko kaya si Yanni? May twitter kaya yun? Hmmm sino pa kaya? May twitter kaya si God? Para follow ko rin sya.

4 nagsalita

Di talaga makontento


Iba na naman layout ng blog ko, di na talaga makontento. Sa ngayun masaya ako sa bagong layout. Baka next month magsawa na naman at baka palitan na naman ulit.

Di talaga makontento sa hitsura ng blog ko. Siguro dahil nasa IT insdustry ako, mas importante sakin ang look and feel ng page na nakikita ko. Kaaya ayang tingnan kumbaga.Syempre dapat elegante at madaling basahin. Syempre customized din kung ano gusto ko makita, parang cellphone lang..customized.

Di na nga ata nasunod ang gusto kong theme dapat sa blog ko. Na dapat sana ay something dark, and something out of this world. Mahirap kasi basahin, liit ng fonts and ang liit ng space. Naging formal na lang tuloy. Siguro gawan ko na lang ng logo sa taas.

Sa ibang bagay naman, na-inspire ako magsulat yey! Poems mode and hmmm one-shot fics maybe. Pero tingnan natin, inspired talaga ako ngayoun hihihi.

4 nagsalita

Epic Failure


Maraming dumating sa buhay ko na nakakatawa. Madami naman satin yun, pero merong mga bagay na hindi sinasadyang nakakatawa. Ito ay mas higit na kilala na epic failure, in short epic fail. Share ko lang ang mga epic failure na dumaan sakin. Sana pag nabasa ito ng mga taong ay wag sana magalit at wag ako sugurin sa bahay hehe.

Epic Fail Number 1Scenario: Nakasakay ako sa jeep papuntang SM Sucat. Nasa pinakagilid akong upuan na malapit sa driver, ibig sabihin ako ang temporary na taga-abot ng bayad kay manong driver at ng sukli sa mga pasahero. Sa frontseat, isang lalake na katabi ni manong driver at isang babae sa rightmost nakaupo.

Okay naman ang byahe, hanggang sa tumigil ang jeep sa isang stoplight dahil nag nag-red ang traffic light.

Bumaba ang babae na nakaupo sa harapan. Lumakad ng konti, palingon lingon sa paligid, tapos bumalik.

Babae: Mama, tama po ba ang ginawa ko?

Manong Driver: (medyo confused) huh? ewan ko sayo.

Babae: ahh (mukhang hindi rin sigurado sa sinabi nya), tama po ba to? (tanong nya ulit)

Manong Driver: ewan, di ko alam sayo (pilit na pinipigil ang pagtawa, pero halata naman)

Natatawa na rin ako, pero pinipigil ko na lang kasi baka kung ano pa masabi. Mukhang seryoso kasi sya, pero wala sya sa tama ang tanong nya.


Epic Fail Number 2
Scenario: Nasa grocery store ako, Puregold to be specific. Every weekend dito ako bumibili ng necessities dahil affordable naman talaga ang tinda nila. Nasa toothpaste section ako at di makapagdecide kung alin ang bibilhin. Merong babaeng lumapit at nagtitingin tingin din. Parang di nya makita hinahanap nya at di nakatiis nagtanong sakin.

Babae: Wala silang ganitong colgate noh? (sabay turo sa isang ad ng bagong product ng close-up na nakapaskil)

Ako: ummhh..close-up po?

Babae: Oo, yung ganitong colgate, wala sila noh? Yun ung gusto ko eh (sabay tingin tingin ulit baka meron pang stock)

Ako: Ahh close-up po (inulit ko pa, dahil baka di nya nabasa yung tinuro nya. sabay hanap na rin sa tinuro nya para matapos na kami)

Mga sampung segundo kakahanap, tumigil din sya. Dinampot nya isang closeup na toothpaste.

Babae: Sige ito na nga lang. (sabay alis)

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Naisip ko tuloy yung joke ng closeup at colgate. Akala ko joke lang yun, totoo pala yun sa totoong buhay hahaha!

2 nagsalita

Poet daw


Long time ago, emo daw ako. Siguro. Siguro dahil mahilig ako magsulat ng poems. Siguro dahil mahilig ako magsulat ng diary. Siguro dahil mahilig lang talaga ako magsulat. Pero ang pagsusulat ay walang hilig sakin, kaya siguro nasa kalagitnaan ako ng pagiging poet ang pagiging emo.

Meron pa akong online diary dati, and at least 3 paper diaries. I miss my online diary, marami din akong naisulat don. Mga ka-emohan ng buhay hahaha! Meron pa nga yata akong naisulat na latin poem nun dati. Frustrated linguist din.

Anyway, ito ang isang emo kong poem na nahalungkat ko pa sa dati kong notebook.

Can I love you today?
Or even tomorrow?
Or maybe the next day, or the next lifetime?
Can I love you?
Because I love loving you
And I love you loving me

Can I kiss you today?
Or even tomorrow?
Or maybe the next day, or the next lifetime?
Can I kiss you?
Because I love kissing you
And I love you kissing me

Can I hold you today?
Or even tomorrow
Or maybe the next day, or the next lifetime?
Can I hold you?
Because I love holding you
And I love you holding me

2 nagsalita

Ginawang Violin ang Lagari


Meron akong friend sa Facebook na nagpost ng video sa isang japanese guy na nagtutugtog gamit ang lagari at ang bow! Amazing! Very creative! Masyado akong nawili hahaha, kaya ito...share ko tong nakita ko na duet. Watch watch!

0 nagsalita

Ang tagal kong nawala


Parang di ko na alam kung san ko to sisimulan, pero gusto ko ulit tong buhayin. Kailangan ko ng mga taga-sunod hehe. Kailangan muna mang-recruit ng tauhan sa kaharian. Ang dami ng alikabok sa lahat ng sulok, kailangan muna maglinis.

0 nagsalita