Epic Failure


Maraming dumating sa buhay ko na nakakatawa. Madami naman satin yun, pero merong mga bagay na hindi sinasadyang nakakatawa. Ito ay mas higit na kilala na epic failure, in short epic fail. Share ko lang ang mga epic failure na dumaan sakin. Sana pag nabasa ito ng mga taong ay wag sana magalit at wag ako sugurin sa bahay hehe.

Epic Fail Number 1Scenario: Nakasakay ako sa jeep papuntang SM Sucat. Nasa pinakagilid akong upuan na malapit sa driver, ibig sabihin ako ang temporary na taga-abot ng bayad kay manong driver at ng sukli sa mga pasahero. Sa frontseat, isang lalake na katabi ni manong driver at isang babae sa rightmost nakaupo.

Okay naman ang byahe, hanggang sa tumigil ang jeep sa isang stoplight dahil nag nag-red ang traffic light.

Bumaba ang babae na nakaupo sa harapan. Lumakad ng konti, palingon lingon sa paligid, tapos bumalik.

Babae: Mama, tama po ba ang ginawa ko?

Manong Driver: (medyo confused) huh? ewan ko sayo.

Babae: ahh (mukhang hindi rin sigurado sa sinabi nya), tama po ba to? (tanong nya ulit)

Manong Driver: ewan, di ko alam sayo (pilit na pinipigil ang pagtawa, pero halata naman)

Natatawa na rin ako, pero pinipigil ko na lang kasi baka kung ano pa masabi. Mukhang seryoso kasi sya, pero wala sya sa tama ang tanong nya.


Epic Fail Number 2
Scenario: Nasa grocery store ako, Puregold to be specific. Every weekend dito ako bumibili ng necessities dahil affordable naman talaga ang tinda nila. Nasa toothpaste section ako at di makapagdecide kung alin ang bibilhin. Merong babaeng lumapit at nagtitingin tingin din. Parang di nya makita hinahanap nya at di nakatiis nagtanong sakin.

Babae: Wala silang ganitong colgate noh? (sabay turo sa isang ad ng bagong product ng close-up na nakapaskil)

Ako: ummhh..close-up po?

Babae: Oo, yung ganitong colgate, wala sila noh? Yun ung gusto ko eh (sabay tingin tingin ulit baka meron pang stock)

Ako: Ahh close-up po (inulit ko pa, dahil baka di nya nabasa yung tinuro nya. sabay hanap na rin sa tinuro nya para matapos na kami)

Mga sampung segundo kakahanap, tumigil din sya. Dinampot nya isang closeup na toothpaste.

Babae: Sige ito na nga lang. (sabay alis)

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Naisip ko tuloy yung joke ng closeup at colgate. Akala ko joke lang yun, totoo pala yun sa totoong buhay hahaha!

2 nagsalita

2 nagsalita:

Lakwatsero Ako said...

bwahehe, naman kasi hirap sagutin ng walang kwentant tanong.

Katherine said...

Hahaha colgate at close up. Parang yung pampers lang. Yung tipong.. anong pampers ng anak mo? Huggies po. =)

Post a Comment