One Piece Adik


Nung unang napanood ko to sa GMA7 (tagalog dubbed) di ko sya nagustuhan kasi, ang panget ng drawing wahahaha. Prang mukhang tanga, malalaki ung ulo at mata, tapos ang liliit at papayat ng katawan na parang mga malnourished. Pero nung last year, when I was so down...ung tipong ayaw mo tulungan sarili mo try ko sya panoorin at nakikiuso na rin ako kasi ung kasama ko sa room nanonood nito. Nasa gitnang episode na sya nun, mga nasa 100. Well, maganda naman ung storya at talagang riot.

Kaya un medyo nagustuhan ko sya. Pinanood ko ung episode 1 sa youtube at yung iba galing sa downloads ng mga masisipag magdownload. Super duper riot na maiihi ka sa kakatawa, lalo na si Ussop and Luffy. Pero ang fav ko si Sanji wahihihi, napakagiliw nya sa mga girls, super duper gentleman hmmm hentai minsan. Then Zoro, okay lang naman sya...seryoso sya sa promise nya na sya magiging pinakamagaling na swordsman. Chopper and Ussop is a riot. Nakakatawa pag silang dalawa magkasama na parehong mga duwag (isama natin si Nami). Sila ang Dreadful Trio wahihi. Sa mga girls naman, si Robin and Nami lang pagpipilian. Mas gusto ko si Robin kesa kay Nami though masayahin, magaslaw at maingay si Nami. Gusto ko ung pagkatahimik at pagkamisteryosa ni Robin. Cute sya pag tumawa wehehe.

Im really hooked to this Anime. Isa ito sa mga pinakamahabang anime on the making na every week lang ang updates T___T. Pde na itong medicine para don sa mga sakit na wala sa boteka ang gamot. Nagkasakit ako sa tyan nito, sa kakatawa ehehehe. Well, nagustuhan ko rin nman ang Naruto, pero ang nakakainis lang don ay ang haba ng flashback. Ung isang episode puro flashback hahayyz. Mahilig sa flashback ang writer nun.

Oh well, natapos ko na ang episode 356, next week pa ang 357 huhuhu.

0 nagsalita

0 nagsalita:

Post a Comment