Leave the Goddamn Knife in Peace~


Tagal na ko di nakapag-update. Dami kasing ginagawa, oh well. Gagawin ko pa ung lamok na background para sa blog ng friend kong si mosquito na sa tingin ko ay di ko magagawa ngaun dahil sa dami ng trabaho.

Well anyway, lumipat ako ng tirahan 1 month ago na malapit lang din sa dating tinitirhan ko. Out of whim siguro pero gusto ko na rin maging fully dependent (as in talga promise). I liked it, I enjoyed it, gusto ko kasi matutong magluto wahihihi. Okay na lahat eh, meron lang isang incident na paulit ulit na nangyayari sa pobreng kutsilyo ko.

Well, share kami ng iisang kusina and lahat ng gamit pangkusina ay andon. Bumili din ako ng mga gamit na kailangan ko talga kasi ayokong manghiram. Then one day, isang araw, nung kinuha ko ung kutsilyo para hiwain ang kamatis...meron syang dumi infairness, na parang ginamit na di man lang hinugasan at basta na lang binalik sa lagayan o_O Pinalampas ko na lang kasi syempre pa goodie-goodie ka muna.

Then kinabukasan ganun na naman? WTH! Sinong gumagamit sa kutsilyo ko nang di man lang hinugasan. ***Nagmumura na ko sa isip ko dahil di naman talga ako makasambit ng mura. Me nakapansin naman sa hinaing ko at tinanong nya ang mga kasambahay kung sino ang salarin sa karumal dumal na nangyari sa kawawa kong kutsilyo. At syempre explain explain and ako smile smile lang din, at syempre sinabi ko naman sa knila na okay lang gamitin/hiramin mga gamit ko basta kung pano sya kinuha ganun din ang pagsuli.

Pero alam ko naman na di sila ang me gawa nun, kundi ang isa pang kasama namin na walang kutsilyo. Nahuli ko na rin sya minsan at tinuruan ko pa kung pano ang paghugas nito. Pero di ko lang alam kung takot ba sya or tamad lang or, di ko alam kung ano pang dahilan kung bakit binabalik nya lang nang di hinuhugasan, anak ng kamote yan! Sa tuwing gagamitin ko na, ako pag maghuhugas. WTH talga!

Hay naku, kahit respeto man lang sa gamit ng ibang tao Y___Y

2 nagsalita

2 nagsalita:

Muskitero said...

kung ako yung, dugo na ang magmamantsa sa kutsilyo. hehe.

btw, ilang requests...

1. paki-off ng word verification
2. paki-allow ang anonymous users.

matatagpuan ang controls niyan sa dashboard>settings>comments.

banner ko!!! wehehehe.

Kraehe said...

wag na, sayang ung blood wahihihi... pang-hapunan din un noh.

Post a Comment