Nasan ka na Ninong Kandule?


Hmmm, noong unang panahon, merong isang swordsman na sobrang angas. Ang paborito nyang linya ay "hoy amputa!!" "paq kau mga GM, PBP AMP!". Ang paniniwala nya kasi ay sya ang pinakamalakas sa buong Midgard dahil sa knyang double vital falchion (dahil agi knight daw sya). Pero kahit naman ganun sya, meron naman syang konting knowledge. Sya nga ang nagpa-uso ng PANTY (Pretty And Neat Thats You) staka TAYO na ginamit sa tayong-tayo na ang ibig sabihin lang naman ay "Thinkin Of You Olways". Marami pa yan, nakalimutan ko lang yung iba. Malakas talga sya, pati kay GM Phage na crush na crush nya na lagi naman syang nababasted. Ganun naman mga bida di ba? Basted sa umpisa.

Meron pa syang dalawang kasama, si Ate Guy na isang acolyte at si Tirso na isang archer na merong alagang falcon (sisiw pa lang) na ang pangalan ay Piki. "Go Piki...Blitz Beat!!" Si Ate Guy naman ay isang huwarang scammer na tinatakbuhan ang mga nagbabayad sa knya para magpawarp. Silang tatlo ang ayaw nyong makasalubong, pero sila ang dakilang bayani ng Midgard.

Noong gustong sakupin ni Baphomet ang buong Midgard. At muntikan nang matigok sa Tirso sa mga Jokers. Ay teka, natigok ata un with matching flashback pa. *Begin flashback in slowmo... Ate Guy, heal mo ko. Tirsoooo tira!! *Very slowmo binato ni Tirso ang kanyang bow sa kalaban. *End slowmo. Bakit mo binato bow mo? Wala na kong arrow Ninong eh.

Okay balik sa kwento. May kung anong gumising sa katauhan ni Kandule (with glitters and visual effects) nagtransform sya into makisig at magalang na Crusader. At ang pamatay na Holy Cross ang tumapos kay Bapho. Okay na sana, kaso pagkatapos ng laban maging swordsman na sya ulit. Maangas na ulit.

At may isang araw na nag-iwan ng sulat si Piki sa amo nyang si Tirso. Sabi nya uuwi daw muna sya kasi merong problema sa knila. Pero hanggang don lang, wala nang balita kay Ninong Kandule at sa dalwa nyang alagad. Isa pa naman ako sa mga taga-hanga nya. Naging sila kaya ni GM Phage? Or baka nabuhay ulit si Baphomet at kinain sya. San ka na ba Ninong? Sumulat ka naman.

A tribute to: "Ang Alamat ni Pritong Kandule"

1 nagsalita

1 nagsalita:

Anonymous said...

Greetings I am so happy I found your web site, I really found you by error, while I
was looking on Yahoo for something else, Nonetheless I am here now and would just like to say cheers for a incredible post and a all round interesting blog (I also love the theme/design), I don't have time to go through it all at the minute but I have saved it and also added your RSS feeds, so when I have time I will be back to read much more, Please do keep up the great job.

Feel free to visit my blog post; acoustic guitar a chord

Post a Comment