Lipat Bahay


Everyone! Ako po ay lilipat ng bahay. Though nanghihinayang din ako sa mga posts ko dito, pero kailangan ko rin kasi pag-aralan ang bago kong bahay. Kailangan ko ng experience kaya don ko na itutuloy ang aking pagboblog.

Ito nga pala ang aking bagong bahay The Goddamn Cat. Sana subaybayan nyo pa rin. Maraming maraming salamas.

6 nagsalita

Kagaya's Serenity



Kagaya is one of my favorite artists. Ang gaganda ng mga gawa nya, as in swak sa aking panlasa. Kung di nyo pa sya kilala at curious kayo (kung curious lang hihi), click nyo to.

Ang picture sa taas ay ang pinaka-favorite ko sa mga gawa nya. Serenity. Sa tuwing tinitingnan ko ang picture na to, marami ang tumatakbo sa aking isipan. Katulad ng, may tao kaya sa kabilang isla? Kaya kayang languyin papunta don? Mukhang mababaw lang naman ang dagat. Siguro mababaw nga kasi merong napormang bato na parang daanan papunta sa kabilang isla. Siguro pag lowtide pwede itong lakarin.

Ang sarap naman mag moon bathing, o kaya mamangka. Wala lang, masarap magliwaliw kung ganyan kaliwanag ang buwan. O kaya, ang sarap magswimming. Tapos babaybayin ko yung bato papunta sa kabila. Pag nakarating na ko sa kabila, sarap magstroll na nakapaa. O kaya uupo na lang ako sa buhangin, o tatawid sa pangatlong isla na malapit. Ano kaya kung magdala ako ng libro at uupo ako sa nakausling bato. Magbabasa ako habang itatampisaw ko ang aking mga paa sa tubig, ang cute. O kaya don ako sa bangka, itatali ko na lang para di matangay ng malayo.

Hayyz, sana may lugar na ganito sa mundong ibabaw.

17 nagsalita

Oh My Ghulay!


Ngayung gabi, nagtext ang love-of-my-life na magchachat daw kami in 30mins. Di naman ako masyadong excited kaya open ko agad ang laptop ko. Check ko kung merong load pa (dahil globe tattoo lang ang gamit ko). Yes! Meron pa.

Kalmado na ako ngayun, pero kanina gusto ko na umiyak. Kasi naman, pagka-open ko ng laptop ko, lowbat ito. So kinuha ko ang charger sa bag at sinaksak ko agad. Nagbilang pa ko ng tatlo bago ko sinaksak dahil takot nga ako sa kuryente. Then tumayo ako ulit para kunin ang headset dahil ayoko naririnig ang mga sumisigaw sa tv (nanonood si papa ng horror movie...anak ng tinapa).

Pagka-connect sa net, nagsimula na akong magblog hop at nagpatugtog ng Yanni songs ng sobrang lakas. Wala pang 5mins biglang namatay ang tugtog at namatay din ang laptop. Taka ako. Nagalit ako dahil ang charger ay hindi na nakasaksak. Inakusahan ko agad si papa (dahil kaming dalawa lang naman ang andito). Nagalit sya, dahil inakusahan ko sya, dahil hindi naman daw nya ginalaw at hindi rin naman daw sya tumayo sa kinauupuan nya. Anak ng tinapa! Bakit natanggal? Hindi lang basta natanggal, maayos pa ang pagkalagay sa ibabaw ng radyo. Kainis natakot ako. Promise naiiyak na talaga ako kanina. Sinabihan pa ko na baka may multo dito. Nak ng! Alam namang takot ako don arrggh.

Pagka-open ko ulit ng laptop, patugtog ulit ako ng Yanni songs ng sobrang lakas para mabaling sa iba ang iniisip ko. Erase erase...di ko na dapat isipin. Last na to, di na dapat isipin.

9 nagsalita

Ang Kaharian


Sa kakabasa ko ng mga novels na kaharian ang tema minsan napapaisip din ako kung ano bang kaharian ang gusto ko. Sa isang libro na binasa ko (na hindi ko tinapos dahil nosebleeding), merong isang babaeng regent o pansamantalang namumuno sa isang kaharian. Dahil babae sya at hindi pa taga doon, marami ang komontra sa kanya (gender discrimination lang). Kaya hindi naging madali ang trabaho nya. Ang mga sinaunang tao talaga, gusto nila pambahay lang ang mga babae tsk tsk.

Back to topic, ang kaharian. Pag ako ay napapabilang sa isang dugong bughaw (syempre ako ang prinsesa), gusto ko kulay light blue ang kwarto ko. Merong porch syempre kung saan makikita ko ang buwan at bituin sa langit sa gabi. Merong isang secret door na ang likod nito ay isang secret tunnel papunta sa aking secret garden na pwede kong puntahan kung nalulungkot ako, o kaya pag masaya ako. Syempre me violin din ako at sana laptop na rin na pwede kong dalhin sa aking secret garden.

Gusto ko pixies ang tagabantay ko (katulad ng nasa taas). Bakit hindi fairies? Dahil pwedeng malaki ang fairy, pwedeng maging kasinlaki ng tao. Gusto ko maliit lang, ang pixies ay kasinlaki lang ng palad kaya sila na. Sila ang tagahatid ng pagkain, tagabihis sakin, and wait...pag tumakas ako papuntang secret garden pwede ko silang isama.

May naisip ako. Pano kung don sa secret garden ay merong isa pang tunnel papunta sa village. Gagala gala ako sa village at magpapanggap na ordinaryong tao. Gasgas moves na ito ng mga fairy tales, pero ang mga suwail na prinsesa namang yun ay walang ginawa kundi ang gumala dahil sawa na sila na may guwardiya na laging nakabuntot sa kanila. Syempre iba ang motive ko, gusto ko malaman kung ang mga ordinaryong tao ay maayos naman ang pamumuhay. Kung maayos ba ang pakikitungo ng mga opisyal sa kanila sa palasyo o baka pinasalvage ng di malaman ang dahilan. Malay natin diba? Sabi nga nila, to see is to believe.

Dahil ikaw din naman ang susunod na uupo sa trono (ako pala), maaga pa lang ayusin mo na. Bilang isang prinsesa dapat marunong ka makipag-kapwa tao. Marunong ka dumiskarte, hindi lang puro pagpapaganda ang inaatupag sa maghapon. Sayang naman ang opportunity na sa buong mundo ay mabibilang lang sa daliri ang makakaranas nito.

Dahil ito ay isang guni-guni lang, lubus-lubusin ko na. Isasama ko na rin ang mga larawan na malapit sa idea ng aking guni-guni.

Ang kastilyo. Dito kunyari ang aking kaharian.


At ang kunyari kong secret garden.

9 nagsalita